Pamasahe sa jeep balik P9 sa Abril

Sa pagsapit ng Abril, magbabalik sa minimum na P9 ang pamasahe sa traditional jeepney sa Metro Manila matapos payagan ng Department of Transportation na ipatupad ito sa pamamagitan ng Service Contracting Program.

Bago magpandemya ay dati nang P9 ang minimum na pamasahe sa jeepney ngunit itinaas ito sa P12 kasunod ng mga serye sa pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Base sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board, ang ikinakasang pagbabalik sa dating pamasahe sa jeep ay sakop ng P1.2 bilyong pondo mula sa Department of Budget and Management na maaaring tumagal ng anim na buwan.

Ang nasabing pondo ay nakalaan sana para sa extension ng libreng sakay ng EDSA carousel o mga bus na dumaraan sa EDSA na natapos noong Disyembre 31, 2022.  Hindi ito natuloy at napagpasyahan na lamang na gamitin para sa iba pang mga pampublikong sasakyan, gaya ng mga jeepney, upang mapaglingkuran ang maraming mananakay.

Mananatili rin ang mga diskuwento para sa mga senior citi­zen, persons with di­sabilities at mga estud­yante.

Para naman sa modernized jeepney, mula sa dating P14 ay magiging P11 ang minimum fare nito habang P3-4 naman ang ibabawas para sa mga bus. Pinag-aaralan naman pinag-ang magiging diskuwento sa pamasahe sa mga UV (utility vehicle) Express.

Ang pagbaba ng presyo sa pamasahe ay masusundan sa mga lalawigan matapos ipatupad ito sa Metro Manila.