P126M lotto jackpot prize sa ika-126 Anibersaryo ng Kalayaan

“Bilang paggunita sa ika-126 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, itataas sa P126-million ang minimum jackpot prize ng UltraLotto 6/58 simula June 11.” Ito ang naging anunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Biyernes, Mayo 31, sa kanilang social media post.

Ayon pa sa PCSO, simula sa nasabing petsa, ang mga tiket ay mabibili sa mga lokasyon ng lottery sa buong bansa at sa mga online o e-lotto platform.