P10,000 cash gift sa senior citizens pirmado sa RA 11982

May P10,000 cash gift na matatanggap ang senior citizens pataas.

Sa nilagdaang Republic Act 11982 o ang Expanded Centenarian Act, iniuutos nito ang pagbibigay ng P10,000 cash sa mga senior citizen sa pagtungtong ng na may edad 80, 85, 90, at 95.

Ang nilagdaang RA 11982 ay mula sa binagong Centenarian Act of 2016. Sa dating batas, tanging edad 100 lamang ang makatatanggap ng cash gift.

Sa RA 11982, mananatili pa rin na kapag ang senior citizen ay nakatungtong ng edad 100, ito ay makatatanggap ng P100,000.

Nilalayon ng batas na bigyan ng karadagdagang benepisyo ang senior citizens o octogenarians (edad 80-89) at nonagenarians (edad 90-99).

Matatanggap ng senior citizens ang cash gift sila man ay nasa Pilipinas o nasa ibang bansa. Maliban dito, tatanggap din sila ng letter of felicitation mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang pangunahing nagsulong ng panukalang batas sa Kongreso ay sina Senador Imee Marcos at Representative Rodolfo Ordanes.