P1,000 polymer bill hinirang na ‘Banknote of the Year’

Kinilala ang P1,000 polymer bill ng bansa bilang bilang “Banknote of the Year” ng International Banknote Society’s (IBNS) para sa 2022.

“With nearly 100 new banknotes released worldwide during 2022, only 19 were deemed of sufficiently new design to be member nominated. From the onset of voting the Philippines 1000 Piso note was the overwhelming favorite, ayon sa IBNS. “The Philippines’ successful design in eye-pleasing blue combines an endangered species with an environmental motif.”

Sa P1,000 polymer bill, narito ang dalawang pambansang simbolo: ang critically endangered Philippine eagle at ang holographic Sampaguita, na pambansang bulaklak. Sa likod nito ay nagpapakita ng Tubbataha Reefs Natural Park, isang UNESCO World Heritage Site, South Sea pearl, at iba pang mga pambansang sagisag, na hindi nabago sa nakaraang isyu nito.

Maliban sa Pilipinas, napabilang sa taunang parangal ng IBNS ang ibang bansa tulad ng Algeria, Barbados, Egypt, Northern Ireland, at Scotland.

Ang P1,000 polymer bill ay inilimbag ng Reserve Bank of Australia at ng buong pagmamay-ari nitong subsidiary na Note Printing Australia.

Ang IBNS na itinatag noong 1961 ay may layunin na isulong, pasiglahin ang pag-aaral at kaalaman ng mga pandaigdigang banknote at mga perang papel sa mga linyang pang-edukasyon, pang-agham at pangkasaysayan.