Online classes sa Adamson University ipatutupad

Adamson University

Inanunsyo ng Adamson University nitong Mayo 1 na ang kanilang mga klase ay gagawing online na magsisimula ng Mayo 2 hanggang Mayo 6.

Ang anunsyo ay kaugnay ng tumataas na kaso ng nakakahawang sakit na COVID-19 sa lungsod ng Maynila.

Sa nasabing mga petsa ay magkakaroon ng paglilinis kasama ng disinfection sa mga silid-aralan, at laboratoryo ng nasabing unibersidad. Bukas naman para sa onsite transactions ang lahat ng kanilang tanggapan maliban sa mga nasa pamamahala ng College of Business Administration.