Oktubre 31, Nobyembre 3 hindi holiday

Nag-anunsyo ang Palasyo ng Malacañang na ang Oktubre 31 ay hindi gagawing non-working holiday.

Ang malinaw na magiging holiday lamang ay ang sumusunod:

  • Oktubre 30, Lunes – Barangay and Sangguniang Kabataan Elections – special non-working day
  • Nobyembre 1, Miyerkoles – special non-working day
  • Nobyembre 2, Huwebes – additional special non-working day

Paglilinaw pa ng Palasyo, hindi rin gagawing holiday ang Nobyembre 3.