Oil price rollback nakaabang sa susunod na linggo

Magandang balita para sa mga motorista dahil may nakaabang na oil price roll back sa Pebrero 28, Martes.

Matapos ang pagtaas sa halaga ng produktong petrolyo sa nakalipas na linggo, asahan ang tinatayang paggalaw ng mga presyo ng mga sumusunod:

Diesel: P1.30 – P1.70 kada litro

Gasoline: P0.70 – P1.02 kada litro

Kerosene: P1.50 – P1.90 kada litro

Malalaman ang tunay na presyo ng mga ito sa Lunes at kinabukasan ang magiging implementasyon nito.