Oil price rollback inaasahan sa Abril 25

Inaasahan ang pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo sa Martes, Abril 25.

Ang ulat ay batay sa pagmomonitor ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau sa galawan ng presyo ng petrolyo sa international market.

Asahan ang tinatayang paggalaw ng mga presyo ng mga sumusunod:

Diesel: P0.40 – P1.00 kada litro

Gasoline: P1.30 – P1.80 kada litro

Kerosene: P.20 – P0.40 kada litro

Malalaman ang tunay na presyo ng mga ito sa Lunes, Abril 24 at kinabukasan ang magiging implementasyon nito.