Oil price hike hahagupit sa susunod na linggo

Asahan ang oil price hike na hahagupit sa paparating na linggo o sa darating na Martes, Pebrero 20.

Ang ilan sa mga dahilan ng paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo ay bunga ng kagulugan sa Gitnang Silangan na nasa Lebanese border, paggambala sa shipping sa Red Sea at Suez Canal, at tumaas ang reserba ng langis ng US.

Ang tinatayang paggalaw ng mga presyo ng mga sumusunod:

Diesel: P0.90 – P1.10 kada litro

Gasoline: P1.40 – P1.60 kada litro

Kerosene: P1.00 – P1.20 kada litro

Pinapayuhan na magpakarga na ng gasolina ang mga motorista bago pa ang pagtaas ng presyo ng mga ito.