Number coding suspendido ngayong holiday season

Ngayong holiday season, naglabas ng anunsyo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) hinggil sa suspension ng number coding bilang pagbibigay-daan sa darating na Pasko at Bagong Taon.

Ang suspensyon ng number coding scheme ay ang mga sumusunod:

  • Martes, Disyembre 24, Christmas eve (special non-working holiday)
  • Miyerkoles, Disyembre 25, Christmas Day (regular holiday)
  • Lunes, Disyembre 30, Rizal Day (regular holiday)
  • Martes, Disyembre 31, huling araw ng taon (special non-working holiday)
  • Miyerkoles, Enero 1, 2025, New Year’s Day (regular holiday)

“Tumataas ang bilang ng mga sasakyan sa lansangan dahil sa dami ng bilang ng magbabakasyon at ipagdiriwang ang Kapaskuhan. Saan man ang iyong destinasyon, laging tandaan: planuhin ang biyahe, sumunod sa batas trapiko, at mag-ingat sa pagmamaneho,” paalala ng MMDA.