Nintendo Switch may bagong animated short na Detective Pikachu Returns

Proud na ianunsyo ng The Pokemon Company ang bagong balita tungkol sa Nintendo Switch software na Detective Pikachu Returns.

Ang “Detective Pikachu & the Mystery of the Missing Flan,” animated slapstick mystery short ni Detective Pikachu, ay nailabas na worldwide na nasa lengguwahe ng 19 countries and regions sa YouTube.

Sa adventure short na ito, nire-record ni Detective Pikachu ang kanyang morning routine sa anumang rason, matapos nito, isang galit na galit na Tim ang dumating. Ano ang maaaring bumagabag sa kanya?

Sa synopsis inilahad na, “This morning, like every morning, Detective Pikachu hums a tune while enjoying a refined cup of coffee. Tim comes in and peeks inside the refrigerator only to find that the flan he was saving has vanished!

Natural na walang idea si Pikachu sa nangyari. It’s a locked room mystery—the case of the vanishing flan! Sino ang maaaring maging salarin?

Alamin ang totoo sa tulong ng matalas na deductive skills ng mahusay na si Detective Pikachu kasama ang kanyang partner na si Tim!

Maaaring malaman ito sa pagbisita sa Official Pokémon YouTube channel, i-click lamang ang link na ito: https://youtu.be/PRMsVlcjP04

Ang animated short ay available in both physical and downloadable versions.

Sundan din ang iba pang pictures sa link na ito: https://pokemoncojp.ent.box.com/s/6gcctlynngkwijoi7bopzdkko3yswxcx/folder/232230877690

Sa iba pang detalye, magsadya sa kanilang official web page sa: https://detectivepikachu.pokemon.com/