
Nalalapit na ang kilalang longest running travel fair na Philippine Travel Mart (PTM) na gaganapin sa SMX Convention Center sa Pasay City mula September 6 hanggang September 8, 2024.
Ang anunsyong ito ay pormal na isinagawa sa Grand Westside Hotel sa Parañaque City noong August 7 kung saan sinabing mas exciting ang 35th Philippine Travel Mart na nasa temang, “Love the NextGen Tourism.”
Sa ika-35 na taon ng PTM na inorganisa ng Philippine Tour Operators Association (PHILTOA), naririto pa rin ang chances ng travelers na makakuha ng travel deals and packages, at discounts para makalipad local man o abroad.
Ang choices ay mula sa 300 tour operators, tourism offices, travel agencies, airlines, hotels, at resorts na kaisa sa pagbibigay ng tourism trends tulad ng sustainability, digitization, inclusivity, at health and wellness para sa travelers at turismo ng bansa.

Sa nakaraang PTM event, nagkaroon ito ng 60,000 travelers and visitors para sa kanilang hinahangad na adventures. Sa 35th PTM, mas highly popular destinations ang matutunghayan dahil pinagtibay ito ng technology na mas kailangan ng travelers.

Sa panahon ngayon, mahalaga ang social media platforms para maging venue o social proof ng tourism industry upang magkaroon ng karagdagang tiwala ang travelers na ang pagbiyahe nila ay may importansya rin para sa kanila hindi lamang sa ekonomiya ng bansa.
“We are introducing the Next Gen Tourism that contains sustainability, digitization, innovation, health and wellness, and more because let’s face it, after the pandemic the face of tourism has changed. The attitudes of travelers have changed. We are now heading to the future of tourism,” ayon sa pamunuan ng PHILTOA.

Sa bawat region ng bansa, makikita ang booths ng mga ito sa event kung saan tampok ang natatanging tourist attractions na mapagpipilian.
Para sa karagdagang detalye, magsadya sa philtravelmart.com, o mag-email sa philtravelmart@philtoa.com at sundan ang @philtravelmart sa Facebook at Instagram.

