NAIA nahanay sa ‘most stressful airport’ sa Asya, Oceana

Ang mga pasaherong matiyagang pumipila sa check-in counters ng Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City noong Nobyembre 25, 2022. (Kuha ng Bilibb)

Nakalulungkot at nakadidismayang nahanay ang Pilipinas sa pagkakaroon ng ‘most stressful airport’ sa Asya at Oceana. Hagip dito ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.

Ilan sa mga mailalarawan ng pagiging stressful ng isang airport ay kung mahal ang mga pagkain dito, pagkuha ng baggage, at iba pa. Pero kung mas mabigat pa sa mga nabanggit ang nararanasan tulad ng sobrang haba ng pila, sobrang mabusising pagsusuri sa mga pasahero at bitbitin, maraming pag-antala ay sadyang stressful na talaga.

Ang “most stressful airport in every country’ sa tala ng Hawaiian Islands na isang travel blog. (Kuha mula sa hawaiianislands.com)

Ganito tayo nasukat ng Hawaiian Islands na isang travel blog bilang pangatlong ‘most stressful airport’ sa Asya at Oceana. Inalam nila ito sa pamamagitan ng mahigit sa 1,500 Google reviews sa mahigit 500 airports sa buong mundo habang nasa loob ng COVID-19 pandemic.

Sa tala ng Hawaiian Islands na isang travel blog, ang Ninoy Aquino International Airport ay pangatlo sa pinaka-stressful na paliparan sa Asia kung saan ito ay nasa halos 58 porsyentong negatibong review. (Kuha mula sa hawaiianislands.com)

Ayon sa kanila aabot sa 58 porsyento ng mga pasaherong pumupunta sa NAIA ay mga stressed out.

Nasa obserbasyon din nila na sa kabuuan, ang mga pinakaabalang paliparan ay hindi palaging ang pinaka-stressful na lugar para sa mga pasahero.

Ang Top 10 Most Stressful Airports in the World ayon sa tala ng Hawaiian Islands na isang travel blog. (Kuha mula sa hawaiianislands.com)

“While heavy passenger traffic can create long queues and other issues, the busiest airports in the world are not necessarily the most stressful. The 20 busiest airports by passenger traffic, for example, all rank outside the top 25 most stressful airports, according to our analysis,” ayon sa naturang travel blog.

“The one busy airport that does rank as particularly stressful is Amsterdam Schiphol in the Netherlands. The Dutch travel hub processes roughly 25 million passengers annually, making it the 34th busiest airport worldwide. According to sentiment analysis, 70.8% of reviews for Amsterdam Schiphol indicate stress, the 10th most of any airport,” dagdag pa nila.

Sa tala, ang numero unong pinaka-stressful na airport sa mundo ay ang Manchester Airport na matatagpuan sa United Kingdom (UK). Tangan nila ang 82.5 porsyentong pagka-stressful na uri ng airport.

Kung tutuusin, siyam sa 10 pinaka-stressful na mga paliparan sa pangkalahatan ay nasa Europa, apat sa mga ito ay mga paliparan sa UK.

Samantala, ang Egypt ay lugar ng lima sa 10 most stressful airport sa Africa.