Muling price rollback sa produktong petrolyo aabangan

Sa Martes, Disyembre 6 ay may aabangang muling rollback sa presyo ng produktong petrolyo.

Aasahan ang tinatayang paggalaw ng mga presyo ng mga sumusunod:

Diesel: P1.80 – P2.20 kada litro

Gasoline: P1.90 – P2.30 kada litro

Kerosene: P1.35 – P1.65 kada litro

Sa naging pahayag kamakailan ng Department of Energy sa panayam ng dzBB dito, ang mga salik sa pagbaba ng presyo ng petrolyo ay mula sa lockdown measures sa China dahil sa COVID-19, imbentaryo ng krudo, at pagtaas ng interes sa Amerika.