Mrs. Universe 2022 pipiliin na!

Ang Mrs. Universe 2022 candidates kasama ang pageant chief executive officer na si Mary Rose Salubre (gitna, naka-dilaw) na mga nag-pose sa pamosong iconic Sydney Harbor Boardwalk habang tanaw din ang Opera House sa likod nito. (Kuha ng Mrs. Universe Official)

Ang pinakaaabangang Mrs. Universe 2022 ay nasa kasagsagan na ng kanilang pageant activities. Ang grand finals ay gaganapin sa December 4, 2022 sa Grand Pavilion Rosehill Garden – Australian Turf Club, Sydney, Australia.

Dalawampung married and single mothers mula sa iba’t ibang panig ng daigdig ang magtatagisan ng ganda, tindig, talino at talento¬†para sa korona at titulong Mrs. Universe 2022 kung saan dalawa sa malalakas na kandidata ay sina Christine¬†Escalante ng Manila at Monique Cantalejo Rivera ng Laguna.

Si Monique Cantalejo-Rivera ng Laguna na kumakatawan bilang Mrs. Universe Asia habang naka-pose sa Sydney Opera House sa background. (Kuha ng Mrs. Universe Official).

Ang mga kandidata ay bumisita sa magagandang lugar ng Sydney at Saladmaster na isa sa pageant sponsors at isang cooking show sa nasabing syudad. Dumalo rin sila sa isang charity event para makakalap ng pondo para sa beneficiaries ng Mrs. Universe.

Ang mga opisyal na kandida ng Mrs. Universe 2022 kasama ang pageant chief executive officer nito na si Miss Mary Rose Salubre (dulong kanan, naka-dilaw) sa pagbisita nila sa Saladmaster na isa sa sponsors ng pageant. (Kuha ng Mrs. Universe Official).

Ang Mrs. Universe pageant ay may adbokasiyang pumili ng katangi-tanging misis o single mom na magsisilbing inspirasyon sa kanyang kapwa kababaihan na ipagtanggol ang kanilang karapatan at maging simbulo ng pagtulong sa mga nangangailangang sektor ng lipunan.

Si Miss Mary Rose Salubre, isang matagumpay na Filipina na based sa Sydney, Australia ang chief executive officer ng naturang pageant.