Mrs. Global Universe Monique Rivera masaya sa blessings, may plano sa New Year

Si Mrs. Global Universe 2022-23 Monique Rivera (ikalawa mula sa kaliwa) kasama ang malalapit na kaibigan sa pageantry na sina (mula sa kaliwa) stylist Jeson Bolatin, Miss RP-Mindanao 2015 Kristie Rose Cequena at pageant mentor na inyo ring lingkod Francis D. Calubaquib.

Merry Christmas and Happy Birthday!

Isang maaliwalas at maganda pa ring Monique Rivera ang bumati sa akin sa isang maikling interview sa UP Town Center, pagkauwi ng Pilipinas mula sa katatapos na Mrs. Universe 2022 na ginanap sa Sydney, Australia noong December 4, 2022, kung saan napanalunan niya ang titulong Mrs. Global Universe 2022-23.

Halos dalawang “toxic” na taon din ang ginugugol ni Monique sa pagiging pageant aspirant at malaking oras, resources at emosyon ang naipuhunan sa kanyang pageant journey kaya nagpapasalamat siya at finally natapos na rin.

Ngayon ay “nakapg-move on” na si Monique at muling magpo-focus sa pamilya at kabuhayan na halos naisantabi dahil sa pageant. Kahit “short of her expectations” ang mga nangyari, patuloy pa rin siyang nagpapasalamat sa buo niyang pageant journey dahil sa mga taong nakilala niya along the way at mga leksyon na natutunan in dealing with persons sa industry at sa values na muli niyang nare-discover. Kaugnay nito, natututo na rin siyang maging discerning at magsabi ng NO sa mga bagay na makokompromiso ang kanyang prinsipyo at pilosopiya sa buhay.

Sobrang excited at masaya niya ring nai-share ang kanilang bagong gawang weekend resort na Palm Bliss Resort na matatagpuan sa Lot 30, Blk 24 ng Phase 2 corner Pelican and Geneva Lake St., Lakewood Subdivision, Brgy. Lalakay, Los Baños, Laguna. Ilang Linggo pa lang magmula nang ito’y muling tumanggap ng mga bisita, halos fully booked na ang resort sa buong Christmas Season. Isa ito sa munting kontribusyon niya sa unti-unting pagbangon ng ekonomiya at tourism industry mula sa epekto ng pandemya. (Para sa mga intersadong bumisita maaring kontakin ang numerong 09672487146 at i-message ang Palm Bliss Resort in Laguna Facebook page)

Hindi pa rin naman lubusang tinatalikuran ni Monique ang pageantry at personal advocacy. Patuloy pa rin siyang susuporta sa mga kababaihang nais tuparin ang kanilang pangarap na maging beauty queens. Nais niyang magsilbing mentor at adviser sa mga future misis na pageant aspirants at ibahagi ang kanyang mga natutunang leksyon sa pagco-compete.

Sa mga panahong ito na balot ng kalungkutan ang Pasko dahil sa maraming problemang kinakaharap ng lahat, nais pa ring ibahagi ni Monque ang tunay ng message of the season. Ayon sa kanya, ito ay ang pag-appreciate sa kung anong mayroon tayo, pamilya, kalusugan at pagmamahal count our blessings and have a childlike faith and mature obedience sa plano ni God.

Maligayang Pasko at puno ng pag-asang Bagong Taon mula sa BiLiBB!

Si Mrs. Global Universe 2022-23 Monique Rivera (naka-long sleeves) kasama ang mga bisita sa Palm Bliss Resort sa Los Baños, Laguna na pag-aari ng beauty titlist.
Ang Palm Bliss Resort na matatagpuan sa Lot 30, Blk 24 ng Phase 2 corner Pelican and Geneva Lake St., Lakewood Subdivision, Brgy. Lalakay, Los Baños, Laguna.
Ang Palm Bliss Resort na matatagpuan Lot 30, Blk 24 ng Phase 2 corner Pelican and Geneva Lake St., Lakewood Subdivision, Brgy. Lalakay, Los Baños, Laguna.
Ang Palm Bliss Resort na matatagpuan sa Lot 30, Blk 24 ng Phase 2 corner Pelican and Geneva Lake St., Lakewood Subdivision, Brgy. Lalakay, Los Baños, Laguna.