Monique Rivera, naghahanda na sa Mrs. Universe Official

Mrs. Universe Asia 2022 Monique C. Rivera (Joel Maniquis)

Puspusan na ang paghahanda ni Mrs. Universe Asia Pacific 2021 Monique Cantalejo Rivera ng Laguna para sa gaganaping Mrs. Universe Official 2022 sa Sydney, Australia sa Disyember 4, 2022.

Isa si Monique sa inaasahang mag-uuwi sana ng korona sa isang pageant para sa mga misis na ginanap noong Oktobre 2021. Ngunit kaiba sa inaasahan, runner-up lamang siya. Marami ang nanghihinayang sa hindi niya pagkakapanalo at marami ang kumwestiyon dito. Ang mga alegasyong ito ay muling napatunayan nang maglabas ng reklamo sa social media at sa isang kilalang personalidad ang ilang kandidata at winners ng kahalintulad na pageant na idinaos.

Ngunit sa halip na magmukmok sa kanyang pagkatalo, minabuti ni Monique na agad na bumangon at harapin ang mga hamon ng buhay nang may ibayong tapang at tatag. Una niyang pinagtuunan ng panahon ang paggabay at pag-aalaga sa kanyang dalawang lumalaking mga anak. Ang kanyang panganay na babaeng si Nicoh Jovelyn C. Rivera ay nasa Grade 9 habang ang anak na lalaking si Johan Patrick C. Rivera ay nasa Grade 7. Pawang masipag ang mga ito na nag-aaral sa Colegio de San Juan de Letran sa Calamba City, Laguna.

Mrs. Universe Asia 2022 Monique C. Rivera. (Joel Maniquis)

FOCUSED KAHIT BUSY SA NEGOSYO

Katuwang ng kanyang asawa na si Joven, pinagtuunan din ng pansin ni Monique ang pagpapatayo ng kanilang Palm Bliss Resort na matatagpuan sa bagong lokasyon sa Lakewood Subdivision, Brgy. Lalakay Los Baños, Laguna. Nakatakda na itong magbukas at tumanggap ng mga bisita simula ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Bukod pa riyan, hindi pa rin nakalilimutan ni Monique ang kanyang advocacy at charitable activities. Kamakailan lamang, bumisita sila kasama ang iba pang beauty queens na sina Mrs. Universe Official Head, Mrs. Mary Rose Salubre, Mrs. Universe Philippines 2022, Ellen Poyaoan Santos, Mrs. Universe Australasia, Christine Escalante, at Mrs. Universe Asia Pacific 2022, Ann Marie Morales, sa isang komunidad sa Sitio Ilang-Ilang, Calantipe, Apalit, Pampanga upang i-turn over ang cash donation para sa pagpapagawa ng Sto. Nino Chapel sa lugar.

Bilang pagkilala sa kanyang natatanging ganda at inspiring personality, hinirang si Monique bilang Woman of the Year, Diamond Excellence Award ng Maharlikang Gandang Filipina at 3Stars Productions.

Si Mrs. Universe Official Head, Mrs. Mary Rose Salubre (gitna) habang kasama ang mga naggagandahan ding sina (mula kaliwa) Mrs. Universe Philippines 2022, Ellen Poyaoan Santos; Mrs. Universe Australasia, Christine Escalante; Mrs. Universe Asia 2022 Monique C. Rivera; at Mrs. Universe Asia Pacific 2022, Ann Marie Morales. (Joel Maniquis)

Isang tao na hindi umaaatras sa laban at hamon, muli na namang sasabak si Monique sa kanyang ikatlo at pinaka-prestihiyosng pageant na sasalihang Mrs. Universe Official 2022. Dalawang beses na itong na-postpone dahil sa Pandemya ngunit ngayon ay tuloy at gaganapin sa December 4, 2022 sa Grand Pavilion Rosehill Garden – Australian Turf Club sa Sydney, Australia.

Ang kanyang halos dalawang taong training sa pinakamagagaling na pageant mentors ng bansa ay magkakaroon na ng katuparan. Higit sa masungkit ang korona, mas nais ni Monique na maipamalas ang mga mahahalagang leksyon sa training “to make her family, pageant mentors and friends be proud of her.”

IBA PANG PLANO NI MONIQUE

Ang matagal na ring plano na mag-organisa ng isang pageant para sa mga misis na may angking ganda, talino ang magiging puhunan sa kompetisyon ang inaasam ni Monique. Hindi rin pera at koneksyon ang basehan para manalo ang siyang nagbibigay sigla at motibasyon sa kanya para magtiyaga.

Kaya sa kabila ng ng maraming kabiguan, at luha ang mahalagang aral ng buhay lamang ang nanatiling tama para sa kandidata at iyan ay ang “Carpe Diem” o Seize the Moment sa wikang Ingles. “Carpe Diem”, is a Latin phrase that means seize the day; enjoy the present, as opposed to placing all hope in the future.

“If life gives you a lemon make a lemonade. Don’t argue with fate and destiny, just always be on top of it,” ayon kay Monique.

Ang pagiging totoo sa sarili at pakikipagkapwa tao nang matapat, palaging paggawa ng mabuti nang walang inaahasang kapalit ang kanya ring pamantayan. Si Monique na ang magpapatunay na siya ay totoong reyna kahit wala pang korona, sa kanyang pamilya, mga kaibigan at mga mahal sa buhay.