Miss USA waging Miss Cosmo 2025; Chelsea Fernandez first runner

Sa ginanap na Miss Cosmo 2025 sa Vietnam itong December 20, naiuwi ang korona ni Yolina Lindquist ng United States (kanan) habang kinilalang First Runner-up ang ipinagmamalaki ng Pilipinas na si Chelsea Fernandez. (Kuha ng Kiengcan Studio)

Waging Miss Cosmo 2025 ang pambato ng United States na si Yolina Lindquist kung saan tinalo nito ang 70 iba pang mga kandidata.

Itinanghal namang First Runner-up ang ipinagmamalaki ng Pilipinas na si Chelsea Fernandez.

Ang kilalang pageant ay ginanap sa Cong Vien Sang Tao Creative Park ng Ho Chi Minh City sa Vietnam itong Sabado ng gabi, December 20.

Ang korona ay naisalin kay Lindquist mula sa dating title holder na si Ketut Permata Juliastrid ng Indonesia.

Samantala, ang mga pagkilala na natanggap ni Fernandez ay Best in Evening Gown at People’s Choice Award.

Hindi na bago kay Chelsea Lovely Cabias Fernandez, tubong Tacurong City ng Sultan Kudarat, ang pagsali sa beauty pageants. Katunayan, nagwagi na siya bilang Reyna ng Aliwan 2018 at Miss Gandang Contesera Quest 2020. Siya rin ay kinilalang Miss Philippines Water sa iss Philippines Earth 2019. Sumali na rin siya sa Binibining Pilipinas 2022 at waging Binibining Pilipinas Globe 2022 at napabilang din sa Miss Universe Philippines 2025.

 

Miss Cosmo 2025 Special awards:

Best Carnival: Nigeria

Impactful Beauty: Namibia

Woman Leadership: Greece

Cosmo Beauty Icon: Panama

Cosmo Tourism Ambassador: Laos

Social Ambassador: Myanmar

Best Evening Gown: Philippines

People’s Choice: Philippines