Miss USA R’Bonney Gabriel waging Miss Universe

Ang bagong waging Miss Universe 2022 na si R'Bonney Gabriel na representante ng United States of America. (Kuha ng Lapresse)

Waging Miss Universe 2022 ang 28-year-old na si Miss USA R’Bonney Gabriel.

Isang Filipino-American si Gabriel at Pinoy ang kanyang ama na si Remigio Bonzon “R. Bon” Gabriel na 85-year-old na ngayon.

Noong 25-year-old pa lamang ang ama ni Gabriel ay nanirahan na ito sa Amerika na nagmula sa Maynila. Nagpatuloy ng pamumuhay doon hanggang makapasok sa University of Southern California para mag-aral ng psychology. Napangasawa niya ang US citizen na si Dana Walker at kalaunan ay nakamit ang Ph.D. in Psychology mula sa University of Houston.

Si Miss Universe R’Bonney Gabriel kasama ang kanyang mga magulang. (Kuha mula sa Instagram/rbonneynola)

“My dad moved to America from the Philippines on a college scholarship with about $20 in his pocket. He wanted to pave a new life for himself. He met my mom in Texas, who is a country woman from Beaumont. I’m a very proud Filipina Texan,” ani Gabriel sa panayam sa kanya noon ng ABC News’ local affiliate sa Houston.

Pang-Miss U talagang mga sagot

Hindi napahiya ang Amerika sa mga sagot na ibinibigay ni Gabriel mula sa mga tanong sa kanya sa katatapos lamang na Miss Universe.

Nang pumasok siya sa Top 5, nagningning ang kanyang sagot.

“Miss Universe recently made an inclusive change allowing mothers and married women to compete this year. What’s another change you’d like to see and why?” ang tanong kay Gabriel.

“For me, I would like to see an age increase because I am 28 years old. And that is the oldest age to compete. And I think it’s a beautiful thing. My favorite quote is ‘if not now, then when?’ Because as a woman, I believe age does not define us. It’s not tomorrow, it’s not yesterday — but it’s now. The time is now,” ani Gabriel.

Ang isang pagmomodelo ni Miss Universe R’Bonney Gabriel noong nakaraang buwan kung saan naging tampok ang quote na kanyang pinaniniwalaan. (Kuha mula sa Miss USA Facebook page)

Para naman sa final question round, tinanong si Miss USA, “If you win Miss Universe, how will you work to demonstrate this is an empowering and progressive organization?”

Proud na sinagot ito ni Gabriel ng, “Well, I would use it to be a transformational leader. As a very passionate designer, (having) been sewing for 13 years, I use fashion as a force for good. In my industry, I’m cutting down on pollution through recycled materials when I make my clothing. I teach sewing classes to women that have survived from human trafficking and domestic violence. And I say that because it is so important to invest in others, invest in our community, and use your unique talent to make a difference. We all have something special, and when we plant those seeds (in) other people in our life, we transform them, and we use that as a vehicle for change.”

Ang first runner-up sa prestihiyosong pageant ay si Miss Venezuela Amanda Dudamel habang second runner-up si Miss Dominican Republic Andreína Martínez.

Pinalitan ni Gabriel si Miss India Harnaaz Sandhu, na nagwagi sa competition noong 2021.

Ang 71st Miss Universe ay ginanap Sabado ng gabi sa Ernest N. Morial Convention Center sa New Orleans, Louisiana kung saan 84 naggagandahang babae ang lumahok dito.

Ipinaalam ng Miss Universe Organization na ang susunod na edisyon ay gaganapin sa El Salvador.

Ang isa sa mga long gown ni Miss Universe R’Bonney Gabriel. (Kuha mula sa Miss USA Facebook page)

Trivia

– Sa Amerika, si Gabriel ang kauna-unahang Filipino-American na nagwaging Miss USA.

– Ang tiara na nakamit ni Gabriel mula sa kanyang predecessor ay mayroong 993 precious stones at isang 45.14-carat na sapphire. Ito ay nagkakahalaga ng $5.3 milyon, ang pinakamahal na korona sa 71 taong kasaysayan ng pageant. Ang sash, samantala, ay ginawa mula sa mga recyclable na materyales sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng pageant.

Ang Miss Universe 2022 crown. (Kuha mula sa Instagram/missuniverse)

– Ipinanganak noong Marso 20, 1994 sa San Antonio, Texas, si Gabriel ay 28 taong gulang. Siya ang pinakamatandang Miss USA titleholder sa ngayon.

– Ang kanyang full name is R’Bonney Nola Gabriel, at Pinoy ang kanyang ama.

– Ang kanyang religion ay Christian.

– Nanalo siya sa naturang competition sa unang pagkakataon sa loob ng 10 taon. Ang huling Miss USA na nag-uwi ng korona ay si Olivia Culpo noong 2012.

– Ikasiyam siyang American na nagwaging Miss Universe.

Ang “Viva Magenta” gown na isinuot ni R’Bonney Gabriel sa preliminary ng Miss Universe 2022. Ang gown na ito ay obra ng Pinoy fashion designer na si Rian Fernandez. (Kuha mula sa Instagram/rianfernandez888 at Instagram/rbonneynola)

– Ang preliminary gown na “Viva Magenta” at gown na “Phenomenal Queen” sa winning moment ni Gabriel sa Miss Universe 2022 ay obra ng Pinoy fashion designer na si Rian Fernandez.

– Nang sumali siya noon sa Miss USA 2022, siya ay representate ng Texas at nakalaban ang 50 iba pang mga kandidata.

Ang “Phenomenal Queen” gown na isinuot ni R’Bonney Gabriel sa kanyang winning moment sa Miss Universe 2022. Ang gown na ito ay obra ng Pinoy fashion designer na si Rian Fernandez. (Kuha mula sa Instagram/rianfernandez888 at Instagram/rbonneynola)

– Graduate si Gabriel with a Bachelor in Fine Arts (fashion Design major at may minor in fibers) mula sa University of North Texas noong 2018. Matapos nito ay tumira na siya sa New York City.

– Nagsimula siyang sumali ng pageants noong 2020. Lumahok siya noon sa Miss Kemah USA. Matapos ang pagsali niya sa Miss Texas USA noong 2021 at 2022, napasakanya ang titulong Miss USA 2022, daan para makasali sa Miss Universe.

– Natutong manahi si Gabriel noong siya ay 15-year-old pa lamang.

– Naging intern para sa famed fashion designer na si Nicole Miller.

– Siya ang chief executive officer ng kanyang brand na R’Bonney Nola na nagpo-produce ng small-batch pieces gamit ang eco-friendly materials. Ang idinidesenyo niya ay t-shirts, dresses, at jeans.

– Sewing instructor siya sa Magpies & Peacocks na hindi lamang nagda-divert ng textiles mula sa landfills ngunit nakaagapay sa mga survivor ng trauma gaya ng human trafficking at domestic violence.

– Si Gabriel ay may tatlong pang mga kapatid, panganay at nag-iisa lamang siyang babae.

– Kaya niyang makapagsalita ng Filipino.

– Naging high school volleyball player.

– Hilig niya ang skateboarding, rollerblading, magpunta sa beach at kayang mag-fire dancing. Nag-e-enjoy din siya sa pagbabasa, backpacking at hula-hooping sa kanyang free time.

– Naging tampok sa Vogue Philippines noong Oktubre 2022.

Mga detalye pa tungkol kay R’Bonney Gabriel.
Si Miss Universe R’Bonney Gabriel sa isang tagpo noong siya ay Miss Texas. (Kuha mula sa Instagram/rbonneynola)
Ang isa sa kasuotang nilikha mismo ni Miss Universe R’Bonney Gabriel na kanyang ipinakita sa publiko. (Kuha mula sa Instagram/rbonneynola)
Ang matiyagang pagbuo ng isang kasuotan na mismong nilikha ni Miss Universe R’Bonney Gabriel na kanyang ipinakita sa publiko. (Kuha mula sa Instagram/rbonneynola)