Miss Universe Philippines handa na sa mga aplikante

Ipinahayag ng Miss Universe Philippines noong Nobyembre 7, 2022 sa kanilang official social media account na handa na silang tumanggap ng aplikante para sa Miss Universe Philippines 2023 edition.

Ang pahayag ay sa kabila ng hindi pa nakakapag-compete ang kasalukuyang Miss Universe Philippines Celeste Cortesi sa kanyang misyon na maiuwi ang panlimang korona ng beauty pageant. Ang Miss Universe 2022 ay gaganapin pa lamang sa Enero ng susunod na taon sa US.

Bukod sa mga karaniwang katangian na ganda at talino dalawang requirements ang umagaw ng pansin sa netizens at pageant fans and enthusiasts. Ito ay ang “no height requirements” at “regardless of civil status” na nangangahulugang maaari nang sumali ang may-asawa, single mothers o separated basta pasok sa age requirement na 18 to 27 years old.

Ang mga aplikante ay maaaring i-download ang application form sa https://bit.ly/MUPH2023 at ipadala ang accomplished form sa contact@missuniverseph.com. Tatangap ng applications hanggang hatinggabi ng January 28, 2023.

Ang 1968 Binibining Pilipinas na si Charina Zaragoza, habang kinokoronahan ang kanyang successor na si Gloria Aspillera Diaz. Nang sumunod na taon nagwagi bilang Miss Universe si Diaz, ang kauna-unahang Pinoy na nagwagi ng naturang parangal. (Pageant Throwback Philippines Facebook page)

Apat na Filipina pa lamang ang pinalad na makoronahang Miss Universe sa 71 taon nitong kasaysayan. Sila ay sina Gloria Diaz (1969), Margarita Moran (1973) Pia Wurtzbach (2015) at Catriona Gray (2018) na pawang produkto ng Bb. Pilipinas na dating may-ari ng local franchise. And dalawang produkto ng Miss Universe Philippines na sina Rabiya Mateo (2020) at Beatrice Luigi Gomez (2021) ay hindi rin nagpahuli at umabot sa Top 20 semifinalists at Top five finalist ng kompetisyon.

Si Maria Margarita Roxas Moran na kinoronahan noon bilang Miss Universe 1973 sa Athens, Greece. (Pageant Throwback Philippines Facebook page)
Si Pia Alonzo Wurtzbach bilang Miss Universe 2015 habang katabi si Stella Márquez-Araneta, founder ng Binibining Pilipinas Charities Inc. (Miss Universe Organization)
Si Catriona Elisa Magnayon Gray bilang Miss Universe 2018 kasama ang mag-asawang sina Jorge Araneta at Stella Márquez-Araneta. (Miss Universe Organization)