Miss Universe 2022 fan voting simula na!

Muli na namang masusubok ang Pinoy fan power sa Miss Universe sa pagsisumula ng fan voting na sinimulan noong November 16, 2022 kasabay ng pag-upload ng official headshots at profiles ng mga kandidata sa official website ng pageant.

Mahalaga ang fan votes sa isang kandita dahil makatutulong ito bukod sa kaniyang preliminary performance upang maka-advance sa semifinals ng kompetisyon.

Ang online voting na ito para sa Miss Universe 2022 ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga tagahanga na ipadala ang kanilang paboritong kalahok sa semi-finals.

Celeste Cortesi (Kuha ng Miss Universe)

Umaasa si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi na all-out ang magiging suporta ng Pinoy netizens sa kanya upang masungkit ang ikalimang korona para sa Pilipinas. Ito ay tulad ng suporta na nakuha ng mga nakalipas na Pinay bets sa Miss U na sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray, dalawa sa pinakapopular na Miss Universe titleholders in recent years.

Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu (Kuha ng Miss Universe)

Upang makaboto, pumunta lang sa vote.missuniverse.com at i-download ang Miss Universe APP at sundin ang instructions para makaboto.
Ipapasa ng kasalukuyang Miss Universe Harnaaz Sandhu ng India ang kanyang korona ng sa finals nito sa January 14, 2023 sa New Oleans, Loisiana USA.

Ang naturang botohan ay magtatapos sa January 13, 2023 isang araw bago ang finals.