Miss Narvacan 2022 matagumpay na naidaos

Ang mga kinoronahan sa Miss Narvacan 2022 (mula sa kaliwa) Louella Domingo, 1st Runner up; Rouiz Velasco Miss Narvacan Culture and Heritage; Miss Narvacan 2022 Ciara Mae Cadanos; Shaina Hortaleza Miss Narvacan Tourism; at Terelyn Jade De Guzman, 2nd Runner up. Nasa larawan din ang mga naging hurado sa pageant na sina Mister Grand Philippines 2022 Kristzan Karlo de los Santos, Miss Tourism International 2019 Cyrille Payumo, Miss Supermodel Worldwide 2022 Alexandra Mae Rosales, at multi-awarded Basketball Superstar, Arwind Santos. (Kuha ni Andrew Duma-up)

Matagumpay na naidaos ang Miss Narvacan 2022, ang isa sa pinaka-aabangang pageant events sa Ilocos Sur.

Ang Coronation Night ng pageant ay ginanap noong Linggo, Disyembre 18, 2022 sa Narvacan Farmers Market, Narvacan sa nasabing lalawigan kung saan nagwagi rito si Ciara Mae Cadanos ng Bgy. Bulanos.

Ang iba pang nagsipagwagi ay sina Terelyn Jade De Guzman 2nd Runner up – Brgy. Marozo. Louella Domingo, 1st Runner up – Brgy. Nanguneg, Rouiz Velasco Miss Narvacan Culture and Heritage – Brgy. San Jose, Shaina Hortaleza Miss Narvacan Tourism – San Antonio.

Isang maningning na event ang nasaksisahan ng local folks at VIP guests pagkatapos ng halos dalawang taon na nahinto ito dahil sa COVID-19 pandemic. Ang pageant ay isa sa main highlights ng taunang Narvacan Festival na inorganisa ng local government ng Municipality of Narvacan, Ilocos Sur sa pangunguna nina Mayor Pablito Sanidad, Vice-Mayor Carlos Valera at ng buong municipal council. Si VM Valera ay isang kilalang pageant benefactor ng national at international pageant achievers.

Ang nagwaging Miss Narvacan 2022 na si Ciara Mae Cadanos ng Brgy. Bolanos mula sa lalawigan ng Ilocos Sur. (Kuha mula sa Facebook page ng Municipality of Narvacan – Public Information)

Hosts ng nasabing patimpalak si Bb. Pilipinas Intercontinental 2019 at Television Host Emma Rose Tiglao at Mister Grand Philippines 2017 at 4th r-up sa Mister Grand International Joshua Banatin. Nagsilbi namang mga hurado sina Narvacan First Lady Madame Susan Sanidad, Miss Tourism International 2019 Cyrille Payumo, Miss Supermodel Worldwide 2022 Alexandra Mae Rosales, Mister Grand Philippines 2022 Kristzan Karlo de los Santos at multi-awarded basketball superstar, Arwind Santos.

Sina Golden Canedo at GMA artist at hunk actor na si Prince Clemente ang mga nagbigay ng entertainment performance sa maningning na event.

Congratulations sa lahat ng winners at Organizers, mula sa BiLiBB!