Miss Iriga, Miss Rinconada, Miss Bicol Tourism 2023 candidates ipinakilala

Ang 20 official candidates ng 2023 Ms. Iriga, Ms. Rinconada, at Ms. Bicol Tourism suot ang kanilang silver blue swimsuit na disenyo ni Sonny Boy Mindo. Pormal na iniharap sa publiko ang mga kandidata kasama ang Mayor ng Iriga City na si (gitna) Hon. Rex Oliva. (Kuha ni Hershey Shola Santiago)

Iriga City, Camarines Sur – Dalawampung magaganda at katangi-tanging binibini ang ipinakilala sa madla at miyembro ng media bilang official candidates ng Miss Iriga City, Miss Rinconada at Miss Bicol Tourism 2023 noong Biyernes, Mayo 26 sa Iriga City Public Plaza at Hardin de Conchita Cafe, Iriga City, Camarines Sur.

Ang mga binibini ay kabilang sa 31 na mga aplikante na sumalang sa ginawang Final Screening sa Masuso Spring Resort ng nasabing petsa.

Ang official candidates ay sina Johanna Recuenco, Mary Claire Chavez, Lorenz Jean Lagasca, Ma. Alera Garcia, Mary Dine Mong, Marga Joyce Sayson, Trizia Mare Abonita, Sandip Kaler, Rabella Charie Benet Lee, Angela Sheriza Tino, Shaina Rabacal, Shane Juelar Barlela, Erica Mae Ailafranca, Nikita Marisse Awa, Shane Macy Zapata, KC Siarza Casco, Rani Lachmi Menghamal Dado, Shekinah Toledo Ibiza, at Katrina Loi Yu.

Napili ang mga dilag batay sa mga kategoryang Beauty of Face, Form and Figure, Personality and Intelligence na siyang naging basehan ng Selection Panel para maging 20 official candidates. Ang mga miyembro ng Selection Panel ay binubuo nina Mr. Ron Hecita, Mr. Rico Roquitico, Dr. Ducle Atian, Mr. Ranilyn R. Ngo at Hon. Katherine Dominique C. Lagrimas dating national pageant aspirant at ngayo’y City Councilor ng Iriga City.

Ang 31 pageant applicants na mula sa Iriga City, Rinconada District at buong Bicol Region sa isinagawang Final Screening sa Masuso Spring Resort, Iriga City. (Kuha ni Hershey Shola Santiago)

Sa maikling mensahe pinasalamatan ni Executive Secretary to the Mayor at Vice Chairman ng ExeCom Jor-el Caayao ang lahat ng mga lumahok na kababaihan sa screening kasama ang talent scouts, designers, mga kasamahan sa Iriga City LGU, at pageant sponsors sa kanilang masigasig na suporta upang matagumpay na maibalik ang Miss Iriga City pageant na ilang taon ding pansamantalang nahinto dahil sa pandemya.

Ang Miss Iriga City Pageant Search ay taunang isinasagawa bilang highlight ng Pintakasi Celebration ng Iriga City na idinadaos kaugnay ng kapistahan ng Pintakasi ng Lungsod, St. Anthony Padua tuwing buwan ng Hunyo.

Ang 20 official candidates kasama ng Pageant ExeCom sa idinaos na Welcome Dinner at Media Presscon na ginanap sa Hardin de Conchita Cafe, Iriga City.

Tatlong prestihiyosong titulo at korona ang igagawad sa Finals Night ng pageant at ito ay ang Miss Iriga City para sa mga kandidatang  mula sa Iriga City at tatanggap ng P150,000 cash prize, Miss Rinconada para sa mga kandidata ng Rinconada District na binubuo ng mga bayan ng Buhi, Bato, Baao, Nabua, at Balatan na tatanggap ng P100,000.00 cash prize. Para sa Miss Bicol Tourism, ito ay tatanggap din ng P100,000.00 cash prize para naman sa mga kandidatang kasali galin sa ubang rehiyon ng Bicol bukod sa Iriga City at Rinconada District.

Ang Miss Iriga City, Miss Rinconada at Miss Bicol Tourism ay pangangasiwaan ng Iriga City LGU kasama sina Executive Secretary to the Mayor at Vice Chairman ng ExeCom Jor-el Caayao,at Luisito Benjamin Taduran, Acting City Tourism officer katuwang ng Pageant Creative Team na binubuo ng S Event and Style sa pangunguna ni Russel Isidro Sinfuego at staff na sina Glycerius Flores, Sidney Aslor at Jay Salcedo, Pageant Execom Member at Consultant Miss Eloisa Ice Martinez, Pageant Directors Jojo Mangalino at Andrew Duma-up, Hershey Santiago, Stage Manager at ang inyong lingkod bilang Events Continuity Writer.
Gaganapin ang Miss Iriga City Grand Coronation Night sa Hunyo 11 sa Iriga City Sports Complex.

Ang beauty pageant logo ng 2023 Ms. Iriga, Ms. Rinconada, at Ms. Bicol Tourism. (Mula sa Iriga City Tourism Office Facebook page)

Dumalo rin sa nasabing Public Presentation at Mini-Press Conference ang ilan sa LGU officials ng Iriga City sa pangunguna ni Hon. Mayor Rex Oliva kasama sina Hon. Edsel Dimaiwat, Iriga City Vice-Mayor; Hon. Katherine Dominique Lagrimas; City Councilor Atty. Maharlika Ramon Aoferina II City Administrator; Leo Joshua Marcel Caayao, Executive Secretary of Mr. Luisito Benjamin Taduran; Acting City Tourism officer Segunda Egipto; Acting City Treasurer Elen Maria Portea; City Budget Officer Beverly Espiritu, CPA; City Accountant, AR Romano Alvaro; City Architect Engr. Ulyses Nagrampa, Acting City Engineer; Engr. Eddie Belmonte, Acting General Services Officer, Mrs. Eloisa Jaim, City Human Resource Manager, Atty. Shane B. Berina Imperial; Acting City Legal Officer; Nancy Occiano, Local City Registrar; at Angel Malapo, Public Information Office. Dumalo Nasa okasyon din ang department heads at member ng Iriga City Council at mga kawani ng Iriga City LGU.