Miss Iriga, Miss Rinconada, at Miss Bicol Tourism matagumpay na naidaos

Ang mga nagsipagwagi sa Miss Iriga, Miss Rinconada, at Miss Bicol Tourism 2023. (Kuha mula sa Miss Iriga 2023 Facebook page)

Matagumpay na naidaos ang Coronation Night ng 2023 Miss Iriga, Miss Rinconada, at Miss Bicol Tourism matagumpay na naidaosnoong Hunyo 11, sa Iriga City Sports Complex, Iriga City sa Camarines Sur.

Sa 20 naggagandahang kandidata mula sa Ciudad nin Iriga, Rinconada at buong Bicol Region ay nagsipawagi sina Miss Iriga 2023 Zairah Shane Barcela; Miss Rinconada 2023 – Angela Sheriza Tino; Miss Bicol Tourism 2023 – Rhianne Macy Zapata; 1st Runner-Up – Marga Joyce Sayson; at 2nd Runner-Up – Marie Claire Chavez. Ang mga nagwagi ay tumanggap na kaukulang premyo kung saan ang P150,000 cash ay para sa Miss Iriga at parehong P100,000 sa Miss Rinconada at Miss Bicol Tourism. Samantalang P75,000 ang inuwi ng 1st r-up at P50,000 para sa 2nd r-up.

Ang mga naging hurado sa pageant ay sina Herbie Aguas, former Mayor ng Sto. Domingo, Albay at ngayo’y Regional Director ng Department of Tourism Region 5; Rheema Adakoden, Miss Kaogma 2018, Miss Bicolandia 2022 at Bb. Pilipinas 2023 candidate, at DepEd Region V Director; Gilbert Sadsad, Avenue Hotel, Naga City General Manager; Carl Cruz, Mr. Albay 2023; Gabriel Tan Aguirre, Poet and Independent Filmmaker Kristian Cordero; Mr. Hubert Brocales, Executive Director ng Metro Naga Development Council; at Miss Rochelle Ontengco Priela, Operations Manager ng GPacis Studio.

Ang mga nagsipagwagi kasama si Iriga City Mayor Rex Oliva, Camrines Sur 5th District Representative Migz Villafuerte, at iba Iriga City Vice-Mayor Edsel Dimaiwat (Kuha mula sa Miss Iriga 2023 Facebook page)

Sa kanyang maikling mensahe, pinasalamatan ni Iriga City Incumbent Mayor Rex Oliva ang mga kandidata ksasama ang kanilang pamilya at supporters gayundin ang pageant sponsors sa kanilang pakikilahok. Gayundin, pinasalamatan ang Pageant ExeCom at Iriga City LGU officers and employees upang maibalik ang Miss Iriga pageant. Nasa okasyon din si Camarines Sur fifth district Congressman Migz Villafuerte.

“More than a beauty contest, the event will serve as a platform to promote tourism, trade and economic development, as well as the rich cultural heritage of Iriga, and its tremendous possibilities and exciting opportunities to offer,” ani Oliva.

Ang okasyon na maikukumpara sa malalaking national pageant ay lalo pang pinatingkad ng Kapuso stars na sina Julie Ann San Jose na siyang nanguna sa bonggang opening number kasama ang 20 kandidata at ng Gov. Luigi Villafuerte Hot Bodies Dancers and Drumbeaters at Tinagba Cultural Dancers.

Si Ken Chan naman ang nag-serenade sa mga binibining kalahok at nagbigay pa ng isang surprise spot number. Ang guwapo at magaling na GMA Synergy Hosts & NCAA Sports Anchor Martin Javier ang nagsilbing pageant hosts ang at si Beauty Queen turned actress, model TV Host and 2017 Miss Multinational Sophia Senoron.

Ang Miss Iriga, Miss Rinconada, at Miss Bicol Tourism 2023 ay pinangasiwaan nina Miss Eloisa “Ice” Martinez bilang consultant at ExeCom member katuwang ang S Events and Style ni Russell Isidro Simfuego at staff at ProdTeam na binubuo nina pageant events directors Jojo Mangalino at Andrew Duma-up, lights director Ace Payawal, stage managers Hershey Santiago, Jay Salcedo, John Yuri Reyes at ang inyong lingkod bilang events continuity writer.

Sa lahat ng bagong beauty queens at organizers, congratulations mula sa Bilibb.ph!

Lubos na pasasalamat sa Masuso Spring Resort, Mother P., executive secretary Jor-el Caayao at Iriga City PIO sa assistance para sa pageant coverage.

Ang mga naging kalahok ng Miss Iriga, Miss Rinconada, at Miss Bicol Tourism. (Kuha mula sa Miss Iriga 2023 Facebook page)