Miss Hello Glow finalists ng Miss Universe Philippines ipinakilala

Ang Miss Hello Glow Top 5 finalists na sina (mula sa kaliwa) Ms. Bohol, Pauline Cucharo Amelinckx; Ms. Quezon City, Eileen Gonzales; Ms. Makati, Michelle Marquez Dee; Ms. Cebu Province, Emmanuelle Vera; at Ms. Cavite, Samantha Alexandra Panlilio. (Hello Glow / Instagram)

Pasiklaban ng kagandahan ang 38 opisyal na mga kalahok ng 2023 Miss Universe Philippines sa ginanap na first ever Corporate Visit sa Hello Glow sa Caloocan City noong Marso 31.

Bago mismo ang pormal na rampahan, todo ensayo muna ang mga kandidata habang ang mga manonood ay kanya-kanya rin ng ingay at komento sa kanilang mga napipisil para magwagi.

Sa gabing iyon ay naging special guest si Maxene Medina na designer, actress, model at mas kilala bilang beauty pageant titleholder bilang Miss Universe Philippines 2016.

Masayang ingay din nang hirangin na ang mga napiling finalists.

Miss Hello Glow Top 5 finalists

Ms. Cavite – Samantha Alexandra Panlilio

Ms. Bohol – Pauline Cucharo Amelinckx

Ms. Cebu Province – Emmanuelle Vera

Ms. Quezon City – Eileen Gonzales

Ms. Makati – Michelle Marquez Dee

Matunog na kandidata si Panlilio dahil dati na itong Miss Grand International competitor habang si Amelinckx ay current reigning Miss Universe Philippines Charity.

Si Vera ay kilala sa pagiging 2021 Reina Hispanoamericana habang si Gonzales ay isang aktres at single mom na nang manalong 2018 Miss Global Philippines at noong 2015 sa parehas ding kompetisyon ay hinirang siyang 2nd Runner-Up. Katulad din ni Gonzales, sina Ms. Benguet na si Joemey Leo at Ms. Parañaque na si Clare Dacanay ay mga nanay na official candidates ngayon ng Miss Universe Philippines.

Naging usap-usapan din ng crowd si Dee dahil iba pa rin ang kanyang gandang “nagbabalik” dahil siya ay tinanghal na ring 2019 Miss World Philippines at 2022 Miss Universe Philippines Tourism. Ang beauty-queen actress na ito ay anak ng 1979 Miss International na si Melanie Marquez.

Si Hello Glow finalist Ms. Makati, Michelle Marquez Dee habang katabi si Miss Universe Philippines 2016 na si Maxene Medina. (Kuha ng Bilibb)

Klaro na lahat ng kalahok ay magaganda hanggang sa kanilang mga kutis pero kapansin-pansin na marami sa mga kandidata ngayon ay mga morena at pantay ang mga kulay. Sino kaya sa kanila ang tatanghaling Miss Hello Glow ng 2023 Miss Universe Philippines? Abangan iyan sa grand coronation night ng nasabing beauty pageant sa Mayo 13 sa SM MOA Arena sa Pasay City.

Ang Hello Glow ay ang official Sun Care Sponsor ng Miss Universe Philippines candidates.

Inilunsad noong Pebrero 2020, ang Hello Glow ay isang multi-awarded brand na may complete line ng affordable skin care na vegan, cruelty-free, paraben-free, at SLS-free; na bagay sa lahat ng skin types.

Ms. Tiaong, Quezon, Christiana Afia Yeboah (Kuha ng Bilibb)
Ms. Baguio, Krishnah Mae Gravidez (Kuha ng Bilibb)
Ms. Batangas, Karen Joyce Olfato (Kuha ng Bilibb)
Ms. Guimaras, Vanessa Tse Wing. (Kuha ng Bilibb)
Ms. Iloilo City, Chloei Gabales (Kuha ng Bilibb)
Ms. Cebu Province, Emmanuelle Vera (Kuha ng Bilibb)