Miss Earth 2022 candidates ipinakilala sa press

Ang ilan sa mga kandidata ng Miss Earth 2022 bilang bahagi ng kanilang Press Presentation na ginanap sa Okada Manila Resort sa Parañaque City, November 14, 2022. (World of Beauty Pageants)

Ang mahigit sa 80 naggagandahang kababaihan na mula sa iba’t ibang panig ng mundo ay formal nang ipinakilala sa ginanap na Press Presentation ng Miss Earth 2022 itong November 14, 2022 sa Okada Manila Resort sa Parañaque City.

Dalawang magkasunod na taon (2020-20221) na pawang virtual lamang ang naturang pageant na nagaganap dahil sa COVID-19 pandemic at ngayon lamang muling babalik sa face-to-face format. Ang pageant na may adbokasiyang pangangalaga sa kalikasan ay nasa tema ngayong “ME Loves Fauna”.

Si Jenny Ramp, nanalong Miss Philippines-Earth 2022 at kinatawan ng bansa para masungkit ang korona para sa Miss Earth 2022. (Miss Philippines Earth)

Si Destiny Wagner ng bansang Belize na reigning Miss Earth 2021, ang kauna-unahang international beauty queen ng kanilang bansa. Apat na delegado ang napiling winners na katumbas ng Darling of the Press award, sila ay sina Miss Nigeria para sa Africa, Miss Australia para sa Asia & Oceania, Miss Netherlands para sa Europe at Miss Colombia para sa America.

Sa 22 taon nang pageant na sinimulan noong 2001 sa Maynila, apat nang Pinay ang nanalo ng prestihiyosong korona ng Miss Earth at ito ay sina Karla Paula Henry (2008), Jaime Herrell (2014), Angelia Ong (2015) at Karen Ibasco (2017).

Si Destiny Wagner ng bansang Belize ang reigning Miss Earth 2021. (Miss Earth)

Ang Pilipinas ay kakatawanin ni Jenny Ramp, isang modelo mula Tarlac na nanalong Miss Philippine Earth 2022 na ginanap sa Coron, Palawan noong Agosto.

Ang Miss Earth ay organized ng Miss Earth Foundation sa pamamagitan ng Carousel Productions, isang organisasyon na base sa Pilipinas. Ang pageant finals ay gaganapin sa November 28, 2022 sa Cove Manila Pool Club ng Okada Manila.