Miss Bicolandia 2023 sinimulan na

Si Reema Adakkoden ng Naga City (gitna) na kinoronahang Miss Bicolandia 2022. Mula sa kaliwa, kasama ni Reema sina Jeanette Reyes, 2nd Runner Up; Iris Oresca, 3rd Runner Up; Mary Joy Darilay, 1st Runner Up; at Margarette Briton, 4th runner up.

Pormal nang inihayag ang imbitasyon para sa mga aplikante bilang official candidates ng Miss Bicolandia 2023 na gaganapin sa unang linggo ng Setyembre bilang kick-off event ng taunang Peñafrancia Festival, na organiza ng lokal na pamahalaan ng Naga City sa pangunguna ni Hon. Mayor Nelson Legacion.

Ang Miss Bicolandia, ang longest running at most prestigious pageant sa buong Bicol Region na kinabibilangan ng anim na lalawigan ng Camarines Norte, Camarnies Sur, Albay, Sorsogon, Masbate at Catanduanes ay kilala bilang pageant na pinanggalingan ng pamosong beauty queens na nagdala ng karangalan sa bansa. Kabilang dito ay sina Bb. Pilipinas Supranational 2014, Yvette Marie Santiago; Bb. Pilipinas International 2011 Dianne Necio; Bb. Pilipinas International 2009 Melody Gersbach (+); at Bb. Pilipinas Universe 2010 at Miss Universe 4th r-up Ma. Venus Raj.

Si Miss Universe 2010 fourth runner-up Venus Raj na nagtapos ng kanyang master’s degree in Community Development mula sa University of the Philippines noong 2017. Noong 2007, siya ay kinilala bilang Miss Bicolandia. (Larawang mula sa kanyang Instagram account: onlyvenusraj)

Samantala, tatlo sa mga alumni ng Miss Bicolandia ang mapalad na napabilang sa Official Candidates ng katatapos na Bb. Pilipinas 2023. Sila ay sina Paulina Labayo, Miss Bicolandia 2019; Rheema Addakoden, Miss Bicolandia 2022; at Jean Billasano ng Albay na naging Bb. Pilipinas semi-finalist, habang ang 2nd r-up last year na si Jeanette Reyes ay ang reigning Mutya ng Pilipinas Tourism International.

Exciting prize packages na kahalintulad sa national pageants ang matatanggap ng mga papalaring mnaanalo sa Miss Bicolandia 2023 at ito ay P300,00 cash prize at karagdagang P100,000 cash, at Asian Travel Tour for 2 mula sa Caramel Bakeshop para sa Miss Bicolandia 2023. Makatatanggap din ng P150, 000 cash at karagdagang P50,000 cash mula pa rin sa Caramel Bakeshop para sa 1st r-up, P100,000 para sa 2nd r-up; at P75 cash at P50,000 cash para sa 3rd at 4th r-up ayon sa pagkakabanggit.

Si Reema Adakkoden ng Naga City (gitna) na kinoronahang Miss Bicolandia 2022. Kasama ni Reema (mula sa kaliwa), sina Jeanette Reyes, 2nd Runner Up; Iris Oresca, 3rd Runner Up; Mary Joy Darilay, 1st Runner Up; at Margarette Briton, 4th Runner up.

Ang Final Screening ay gaganapin sa Agosto 26, 2023 sa Villa Caceres Hotel, Naga City na susundan ng Public Presentation sa Vista Mall, Naga City sa araw ding y’on. Gaganapin naman ang Grand Coronation Night sa Setyembre 6, sa Jesse M. Robredo Coliseum, Naga City.

Sa mga interesadong Bicolana na nais sumali sa pageant, maaring i-download ang official application form at pagent rules and regulation sa tinyurl.com/MB2023ApplicationandRules o makipg-ugnayan sa Naga City Events, Protocol and Public Information Office 1 Flr. Raul S. Roco Library Building, City Hall Compound, J. Miranda Ave., Concepcion Peqena, Naga City at Hanapin si Miss Zayda Rifareal, Admin Head ng Miss Bicolandia Support Team (09995907482).