Mindanao regions mas mataas ang suporta sa pagbabalik ng ROTC program

Ninanais ng gobyerno na maibalik ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program. Ito ay para makapagbigay sa mga estudyante sa senior high school ng kakaibang kombinasyon ng academic learning at practical military experience para patibayin ang nasyonalismo, pambansang depensa, at kahandaan sa sakuna. Upang makakalap ng kaugnayang datos sa paksang ito, nagsagawa ang Capstone-Intel Corporation ng survey sa buong bansa.

Ang pagpapanumbalik ng programa ng ROTC ay may napakalaking suporta, lalo na sa mga rehiyon ng Mindanao, naging malinaw ito pagkatapos ng masusing pag-aaral sa mga datos na nakalap. Ang saklaw ng suporta ay nasa pagitan ng 71.43% at 86.05%.

Ang antas ng suporta ay mula sa iba’t ibang rehiyon kung saan ang BARRM ay nagpakita ng suporta na 86.05%. Ang Davao Region ay may 83.5% antas ng suporta, sinunandan ng SOCCSKSARGEN na 77.08%, at Caraga region na 71.43%.

Samantla, ang iba pang mga rehiyon na nagpakita ng mataas na suporta ay mula sa CAR na may suportang 77.78%, Cagayan Valley na 72.97%, at Central Luzon na 69.50%.

Ang mga rehiyon na may pinakamababang porsyento ng suporta ay mula sa NCR (66.45%), Western Visayas (64.84%), at CALABARZON (64.61%).

Sa naging panayam sa radyo kay Dr. Guido David, Chief Data Scientist ng Capstone-Intel, tinalakay niya ang pagnanais ng lokal na residente sa pagbabalik ng ROTC Program sa kanilang mga rehiyon. Iginiit niya na may obserbayon sila sa kanilang komunidad na kailangan ng naturang programa dahil sa kaunting kawalan ng kapanatagan.

Ayon sa Capstone-Intel, mahalagang na malaman na bagaman mataas ang suporta ng mga Pilipino sa pagbabalik ng ROTC sa senior high schools, may mga balido silang rason para umurong sa suporta sa programa.

Batay sa datos, ang mga rason na maaaring magpabago sa kanilang pasya ay ang mga sumusunod: walang katiyakang kaligtasan ng mga estudyante mula sa pang-aabuso (58%), dagdag gastusin (37%), epekto sa kalusugang pangkaisipan (32%), kung ito ay mandatoryo (28%), at walang class syllabus at mga layunin (23%).

“The ROTC program’s objective is commendable as it aims to shape well-rounded individuals who are not only knowledgeable about their country’s defense and disaster preparedness but also possess a strong sense of patriotism and national identity,” ayon sa Capstone-Intel.

“It is imperative for policymakers to conduct a careful examination of the implementation of the ROTC program to ensure its alignment with the objectives and values of the colleges involved. This will enhance the clarity of the program. In order to address any concerns and facilitate a smooth and well-coordinated reintroduction of ROTC, it is crucial to engage in open and transparent dialogue with students, parents, and guardians,” dagdag pa nito.

****

Upang malaman ang higit pa tungkol sa datos, mangyaring tingnan dito.

Ang Capstone-Intel ay isang kompanya ng mataas na epekto ng pananaliksik na gumagamit ng mga makabagong teknolohiya, kagamitan, at mga pamamaraan sa pagsusuri upang isalin ang mga datos at impormasyon sa mga modernong kaalaman na naaaksyunang mga produksyon. Nakatuon ang ahensya na tulungan ang mga kliyente nito na malutas ang mga problema, humanap ng mga solusyon, palaguin ang mga merkado at nasasakupan, bumuo ng mga reputasyon, maiwasan ang mga peligro, at pamahalaan ang mga krisis; at maging nangungunang pribadong ahensya ng pananaliksik at intelihensya sa bansa.