Mina Sue Choi ng South Korea hinirang na Miss Earth 2022

Si Mina Sue Choi ng South Korea, ang hinirang na Miss Earth 2022 sa ginanap na Grand Coronation nito noong gabi ng Nobyembre 29 sa Okada Manila sa Parañaque City. (Kuha mula sa Miss Earth Facebook page)

Ang estudyanteng si Mina Sue Choi ng South Korea ang hinirang na Miss Earth 2022 kung saan nakatunggali niya ang 85 iba pang naggagandahang kalahok nito.

Ang Grand Coronation nito ay ginanap noong gabi ng Nobyembre 29, 2022 sa Okada Manila sa Parañaque City.

Ang 24 taong gulang na si Choi ay ang kauna-unahang Koreana na nagwagi magmula nang magsimula ang pageant noong 2001.

“If there’s something I would correct in this world it would be being empathetic. We often mistake kindness as being empathetic but what being empathetic is putting yourself into someone else’s shoes and when it comes to climate issues and other issues in this world one has to be empathetic. You really need to see how the other person perceives this world, you need to understand their pain by being in their shoes and that, like I feel like the first with being empathetic, kindness and empathetic can be different,” ani Choi na hinangaan nang husto ng mga hurado.

Si Mina Sue Choi ng South Korea bilang Miss Earth 2022. (Kuha mula sa Miss Earth Facebook page)

Ang pahayag niyang ito ay mula sa tanong na ibinato rin sa tatlong iba pang kandidata sa final question-and-answer portion ng pageant na “What is one thing that you want to correct in this world and how would you correct it?”

Si Mina Sue Choi ng South Korea bilang Miss Earth 2022. (Kuha ni Teddy Pelaez)

Ang iba pang nakakuha ng titulo sa kompetisyon ay sina Miss Earth Air 2022, Sheridan Mortlock ng Australia; Miss Earth Water na si Nadeen Ayoub ng Palestine; at Miss Earth Fire na si Andrea Arroyave ng Colombia.

Ang mga nagwagi sa ginanap na Miss Earth 2022 noong Nobyembre 29 na sina (mula sa kaliwa) Miss Earth Fire na si Andrea Arroyave ng Colombia, Miss Earth Mina Sue Choi ng South Korea, Miss Earth Water na si Nadeen Ayoub ng Palestine, at Miss Earth Air Sheridan Mortlock ng Australia. (Kuha ni Teddy Pelaez)

Samantala, mula sa pagkapuwesto sa Top 20 ay hindi pinalad si Jenny Ramp, ang representate ng Pilipinas, na maiuwi ang pinaka-korona ng pageant ngunit nagbigay ito ng karangalan sa pagkakahirang sa kanya bilang Best in Fauna Costume na tropeo.

Nasa ika-22 edisyon na ang annual at international pageant at laking pasasalamat din nila na sila ay nakabalik sa physical nilang kompetisyon buhat nang magpandemya kaya bigay na bigay sa rampa ang mga kandidata kasabay ng energetic vibes ng mga manonood. Ito ay dahil online lamang na natutukan ang Miss Earth noong 2020 at 2021.

Ang Miss Earth ay pinangangasiwaan ng Carousel Productions na nakabase sa bansa. Ito ay kinikilalang isa sa apat na prestihiyosong international pageants na kahanay ng Miss Universe, Miss World, at Miss International.

TOP 20

Belgium – Daphne Nivelles
Ethiopia – Hiwot Yirga
Brazil – Jéssica Pedroso
Australia – Sheridan Mortlock
Colombia – Andrea Aguilera
Namibia – Diana Andimba
Netherlands – Merel Hendriksen
Palestine – Nadeen Ayoub
Cuba – Sheyla Ravelo Perez
Nigeria – Esther Oluwatosin Ajayi
Ireland – Alannah Larkin
Korea – Mina Sue Choi
Slovenia – Lea Prstec
Zimbabwe – Sakhile Dube
Vietnam – Thạch Thu Thảo
Norway – Lilly Sødal
Puerto Rico – Paulina Aviles Feshold
Czech Republic – Anežka Heralecká
Philippines – Jenny Ramp
Portugal – Maria Rosado

TOP 12

Brazil – Jéssica Pedroso
Belgium – Daphne Nivelles
Zimbabwe – Sakhile Dube
Nigeria – Esther Oluwatosin Ajayi
Colombia – Andrea Aguilera
Australia – Sheridan Mortlock
Puerto Rico – Paulina Aviles Feshold
Palestine – Nadeen Ayoub
Cuba – Sheyla Ravelo Perez
Portugal – Maria Rosado
Netherlands – Merel Hendriksen
Korea – Mina Sue Choi

TOP 8

Palestine – Nadeen Ayoub
Australia – Sheridan Mortlock
Korea – Mina Sue Choi
Zimbabwe – Sakhile Dube
Colombia – Andrea Aguilera
Belgium – Daphne Nivelles
Puerto Rico – Paulina Aviles Feshold
Netherlands – Merel Hendriksen