Inanunsyo itong Hulyo 21 ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na hanggang alas-12:00 ng tanghali lamang ang mga serbisyo sa mga tanggapan ng kanilang City Hall sa Lunes, Hulyo 22 bilang pagbibigay-daan sa gaganaping ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Samantala, magpapatuloy ang essential services tulad ng law enforcement, traffic management, fire protection, health, at disaster response and management.


