Mga ospital inatasang muling buksan ang COVID-19 wards

Sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19, inatasan ngayon ng Department of Health (DOH) ang mga ospital na ihanda ang muling pagbubukas ng kanilang COVID-19 wards.

Kaugnay nito, dapat na magdagdag din ng mga higaan sa ospital para sa pagdami ng mga pasyenteng maipapasok dahil sa mataas na bilang ngayon ng mga nagpopositibo sa COVID-19.

Dami ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ayon sa DOH

– Mayo 4 : 1,190 bagong kaso | 8,371 aktibong kaso

– Mayo 3 : 867 bagong kaso | 7,565 aktibong kaso

– Mayo 2 : 843 bagong kaso | 7,087 aktibong kaso

– Mayo 1 : Walang datos

– Abril 30 : 1,263 bagong kaso | 5,875 aktibong kaso

– Abril 29 : 304 bagong kaso | 5,070 aktibong kaso

– Abril 28 : 858 bagong kaso | 5,293 aktibong kaso

– Abril 27 : 781 bagong kaso | 4,960 aktibong kaso

– Abril 26 : 506 bagong kaso | 4,446 aktibong kaso

– Abril 25 : 315 bagong kaso | 4,255 aktibong kaso

– Abril 24 : 429 bagong kaso | 4,336 aktibong kaso