Mga nagwagi sa Mga Kuwentong Pagkain inihayag

(Mga larawan mula sa Mama Sita's Mga Kuwentong Pagkain Facebook page)

Ang Mga Kuwentong Pagkain (MKP), isang taunang kompetisyon sa pagkukuwento na inilunsad isang dekada na ang nakararaan ng Mama Sita Foundation ay nalulugod na ipahayag ang mga nanalong entry para rito.

Para sa essay category, ang “Pinilakang Palayok” award ay naigawad sa “Chasing Ginilo” na isinumite ng 49-year-old na si Edelwisa Roman Gonzaga, ng Moses Lake, Washington State. Ang sanaysay ay nagbibigay-pugay sa napakagandang pagkabata ng manunulat sa Bataan kung saan ang kanyang buong pamilya ay abala sa paggawa ng Ginilo, isang refreshing melee ng kamote, gulaman, at pinipig na lumulutang sa gata ng niyog at pinong yelo. Ngayon ay nag-aaruga at nagpapalaki ng sarili niyang pamilya sa West Coast, binalikan ni Edel ang mga alaalang ito sa pamamagitan ng paggawa ng Ginilo kasama ang kanyang mga anak sa kabila ng limitadong mga sangkap na magagamit nila. Bawat lasap ay nagbabalik sa kanya sa magandang panahon noon. Ang Ginilo ay ‘Liquid nostalgia.’

Ang “A Soulmate of Flavors” ni Ian Ocampo Flora ay nakakuha ng parangal na “Sorpresang Sangkap” ng sa parehas na category. Ang evocative essay na ito, na isinulat ng isang millennial, ay nakatuon sa kanyang mahal na granduncle na naniniwala na ang ilang mga sangkap ay nakatadhana na pagsama-samahin. Ang ipinagmamalaking ulam na Tausing Ema ay may mud crab at black bean sauce o tausi na hindi basta-basta ang sarap!

Ang huli sa essay category awardees ay naiuwi ni Jacqueline Dechavez-Brady na may “Lakbay-Lasa Award” para sa kanyang obra na pinamagatang “Nourishment and Love: A Filipino-American’s Understanding.” Kasalukuyang naninirahan sa Michigan, USA, ikinuwento ng Filipino-American na ito ang kanyang paglalakbay tungo sa pag-unawa sa kanyang yumaong tiyuhin na ang love language ay pagkain. Ang kanyang Uncle Oscar ang itinalagang kusinero ng pamilya na nag-asikaso sa kanilang lavish buffet spread tuwing Linggo. Masipag niyang ipinaliwanag ang bawat pagkaing Filipino sa noo’y batang Jacquelin, na hinuhubog ang kanyang panlasa pati na rin ang kanyang puso. Ngayon na 34 taong gulang, pinahahalagahan ni Jacqueline ang pagmamahal at pangangalaga na napunta sa bawat tray ng pagkain at meryenda na inihanda ng kanyang tiyuhin. Ipinagpapatuloy niya ang kanyang paglilingkod sa pamamagitan ng pagluluto ng marami para sa pamilya at mga kaibigan sa Detroit, kung saan malakas at masigla ang komunidad ng Fil-Am.

Ang overall winner sa kategoryang visual narrative ay si Roel Anthony Wagan, isang estudyante at freelancer. Sa isang heartwaming video na pinamagatang “Ang Sinigang ni Lola Emma,” ikinuwento ni Roel kung paano napanatili ng isang sour soup na ulam mula sa isdang ayungin, isang endemic species na sagana sa Laguna de Bay, ang nagpapanatili sa pamilya sa mga henerasyon. Mangingisda ang kanyang lolo sa madaling-araw habang ang kanyang lola na si Emma ay gumagawa ng stock ng isda na may lasa ng mga hinog na bayabas na kinuha sa kanilang likod-bahay. Ang mga sariwang gulay mula sa kapitbahayan ay idinagdag sa nakaaaliw na ulam na ito na nagpapakain sa buong sambahayan. Hindi nagtagal pagkatapos nilang simulan ang pagbebenta ng Sinigang na Ayungin sa komunidad, naging daan ito para dumami ang mga diploma at larawan sa dingding ng kanilang ancestral home.

Ang MKP na isang taunang storytelling contest ay nakatutok sa Filipino food heritage ay nakakuha ng mahigit 350 entries noong nakaraang taon. Ang apat na nagwagi ay pinili sa pamamagitan ng isang mahigpit na proseso na hinimok ng isang kilalang panel of judges na kumakatawan sa iba’t ibang mga akademiko at culinary disciplines: culinary historian Felice Prudente Sta. Maria; Harvard alumna at dating Presidente ng Miriam College, Dr. Rosario Lapus; food writer at kolumnista na si Michaela Fenix; multi-awarded book designer at writer na si Ige Ramos; home cook, author, at culinary advocate na si Nina Daza-Puyat; at guro ng wikang Filipino at may-akda na si Paolo Ven Paculan.

Isang dekada ng mga kuwentong pagkaing Pilipino

MKP, isang inisyatiba ng Mama Sita Foundation, ay nagsimula bilang isang kompetisyon sa pagkukuwento noong 2012 na may layuning ipagdiwang ang Philippine culinary heritage sa pamamagitan ng pagkolekta ng mga salaysay na naging makabuluhan. Ang inisyatiba ay naging isang adbokasiya, lalo na sa mga diasporic na komunidad kung saan may mas matinding pangangailangan na maunawaan ang pagkakakilanlang Pilipino sa pamamagitan ng pagkain.

Nakatuon ang karamihan sa mga pagsusumite sa mga itinatangi na recipe ng pamilya, mga tradisyon sa culinary sa bayang kinalakhan, alamat ng pagkain sa rehiyon, at mga pananim at pampalasa sa lugar. Ipinagdiriwang ng MKP ang kakaibang pagkaing Pilipino at ang mga kuwentong patuloy na humuhubog dito. Upang magkaroon ng lugar para sa higit na pagkamalikhain at estilo sa pagbabahagi ng mga kuwento ng pagkain, ang magkakahiwalay na kategorya ay itinakda para sa mga format ng essay, larawan at video, na ang bawat isa ay nag-aalok ng mga premyo na hanggang P20,000 na cash. Manatiling nakatutok para sa announcements sa MKP 2023!