Ngayong Oktubre, itinatampok sa CCP Channel ang mga pampelikula at panteatrong obra—mula Cinemalaya, Gawad Alternatibo, Virgin Labfest, at CCP Classics—na nagpapakita ng pakikipaglaban, pulitikal na tunggalian, at pagtuklas sa sarili ng mga Pilipino.
Ang mga iconic na pabasang musika at ballet mula noong dekada ’90:
- Madz Goes Pop!!! (1999): Isang natatanging konsiyerto ng The Philippine Madrigal Singers kung saan lumihis sila sa tradisyon upang maghatid ng mga sikat at modernong awitin kasama ang isang 6-piece band.
- Fiesta Filipina: Mga pambihirang pagtatanghal ng kulturang Pilipino, kabilang ang Kalilang at Pista sa Nayon ng Bayanihan Philippine Dance Company, at Ngayon at Bukas ng Bola-Bola Tribe ng Iloilo National High School.
- Snow White (1999): Ang klasikong kuwentong-bayan na itinanghal ng Ballet Philippines sa koreorapiya ng dating principal dancer na si Effie Nañas.
Mga kilabot, laban ng Pilipino sa pelikula
Ipinagdiriwang ng CCP Channel ang panahon ng kababalaghan sa pamamagitan ng mga pelikulang Cinemalaya na nagtatampok sa kakaibang lakas ng loob at realidad ng buhay-Pilipino:
- Colorum (2009) – Ipinapakita ang masalimuot na moralidad sa bansa sa pamamagitan ng kuwento ng isang 70-anyos na dating bilanggo at isang batang pulis na namamasada ng kulorum na biyahe.
- Batsoy (2022) – Sinusundan ang dalawang magkapatid sa San Dionisio, Iloilo sa kanilang paglalakbay na may halong pantasya at katotohanan para lamang makakain ng batsoy.
- Bulawan Nga Usa (2023) – Isang nakaaantig na paglalakbay ng isang apo sa mahiwagang bundok upang hanapin ang hiling-nagkakaloob na gintong usa para makamit ang paghilom pagkatapos ng pagkamatay ng kanyang lolo.
- 10:25 Ng Gabi – Isang suspenseng kuwento tungkol sa magkaibigan na isinagawa ang kanilang planong kumita ng pera matapos makatagpo ang isang mag-ina.
- Gee-Gee At Waterina (2006) – Tinalakay ang halaga ng sarili sa pamamagitan ng usapan at asaran sa pagitan ng isang comfort gay at ng kanyang kaibigang pulitiko.
- Parang Pelikula (2006) – Kuwento ng dalawang magkabata noong dekada ’90; nagkalayo sila at muling nagkita makalipas ang 15 taon sa isang burol.
Pagtuklas sa matitinding tunggalian sa mga pelikula ng Gawad Alternatibo
Itatampok sa CCP Channel ngayong buwan ang iba’t ibang uri ng pelikula mula sa Gawad Alternatibo—kabilang ang narrative, animation, experimental, at dokumentaryo:
- Metapora (2025) – Sa direksyon ni Renil Frankie Badango, ipinapakita rito ang nakakabagabag na karanasan ng isang nag-iisang manunulat na iginugupo ng takot at unti-unting nababaliw dahil sa kanyang mga likha.
- Daungan Ng Mga Naghihintay (2025) – Isang dokumentaryo ni Kaila Arvi B. Ariston tungkol sa hapis ng mga pamilya sa Zambales sa gitna ng tensyon sa West Philippine Sea, kung saan misteryosong nawawala ang mga mangingisda.
- Pauwi ka na ba? (2020) – Isang animated film ni Angel Tomas na naglalahad ng mga saloobin at damdamin ng isang batang babae hinggil sa paghawak ng armas sa nayon.
- Blinkers (2020) – Isang experimental film ni JP Bonoan na nagpapakita ng kabalintunaan ng mga cellphone—ginawa man para sa mabilis na komunikasyon, mas nagiging dahilan pa ito ng paglalayo ng mga tao.
Maaalab na pangarap, misteryo sa mga dula ng VLF
- Itinatampok sa Ang Bata sa Bus Stop (VLF 13: Wagas)—na isinulat ni Sari Saysay at idinirehiyo ni Topper Fabregas—ang pagtatagpo ng isang naghahangad maging pari at ng isang kaaalis lang sa pagpapari.
- Samantala, punong-puno naman ng misteryo at lihim ang Isang Gabing ang Buwan ay Hila-Hila ng Gula-Gulanit na Ulap (VLF 15: Titibok-Tibok) nina Ryan Machado at Paolo O’Hara, kung saan dalawang lalaki ang tila naghuhukay o nagbabaon ng kung ano sa kalaliman ng gabi.
Balikan ang Sining at Kulturang Pilipino sa CCP Channel
Ngayong Oktubre, magdaragdag ang CCP Channel ng mga klasikong palabas mula sa CCP, mga pelikula ng Cinemalaya at Gawad Alternatibo, at mga dula sa VLF upang ilapit ang sining at talentong Pilipino sa nakararami. Maaari itong ma-access sa halagang ₱99 bawat buwan o ₱599 para sa isang taon. Para mag-subscribe, bisitahin ito.
Para sa mga update, i-follow ang mga opisyal na account ng CCP sa Facebook, Instagram, TikTok, at YouTube, o bisitahin ang kanilang website.
(Para sa iba pang mga larawan, tingnan dito)

