Mga klase suspendido dahil sa transport strike, lindol

Kaugnay ng kasadong nationwide transport strike at sa naging resulta ng magnitude 6.8 na lindol sa Davao Occidental noong Biyernes, nag-anunsyo ang iba’t ibang paaralan at lokal na pamahalaan sa suspensyon ng mga klase sa Lunes, Nobyembre 20, 2023.

Mga lokal na pamahalaan

  1. Camalig, Albay – lahat antas sa pribado at pampubliko
  2. Cabuyao, Laguna – lahat ng antas para sa face-to-face na klase (gagawing modular o online)
  3. Calamba, Laguna – lahat ng antas para sa face-to-face classes (gagawing modular o online)
  4. General Santos City – lahat ng antas online at face-to-face classes, mula Nobyembre 18-21
  5. Pampanga – lahat ng antas para sa face-to-face classes

Mga paaralan

  1. Adamson University – magkakaroon ng online classes sa lahat ng antas
  2. Arellano University – walang face-to-face classes (gagawing online) sa lahat ng antas mula Nobyembre 20-22
  3. Ateneo de Manila University – magkakaroon ng online classes ang undergraduate at graduate classes sa Schools of Education and Learning Design, Humanities, Management, Science and Engineering, and Social Sciences mula Nobyembre 20-23
  4. De La Salle University-Manila campus: magkakaroon ng online classes sa lahat ng antas mula Nobyembre 20-22
  5. De La Salle University-Laguna – magkakaroon ng online classes sa lahat ng antas mula Nobyembre 20-22
  6. Far Eastern University – Manila and Makati – magkakaroon ng online classes
  7. FEU High School – magkakaroon ng online classes
  8. Mapua University – magkakaroon ng online classes sa lahat ng antas
  9. Miriam College – Loyola Heights – magkakaroon ng online classes ang BEU, SDTEC, and HEU mula Nobyembre 20-21
  10. Pamantasan ng Lungsod ng Maynila – magkakaroon ng online classes mula Nobyembre 20-22
  11. Pamantasan ng Lungsod ng Marikina – magkakaroon ng modular o online classes mula Nobyembre 20-22
  12. Polytechnic University of the Philippines – magkakaroon ng modular o online classes mula Nobyembre 20-22
  13. University of the East – Manila and Caloocan – magkakaroon ng online synchronous sa lahat ng antas mula Nobyembre 20-21
  14. University of the Philippines-Diliman – magkakaroon ng modular o online classes mula Nobyembre 20-22
  15. University of the Philippines-Los Baños -magkakaroon ng modular o online classes
  16. University of Santo Tomas: magkakaroon ng enriched virtual mode at remote arrangements