Mga klase sa Maynila, Quezon City suspendido sa Hulyo 27

Kaugnay ng isasagawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nagdeklara ng suspensyon ng klase sa ilang mga paaralan sa Lunes, Hulyo 27.

Walang pasok sa Maynila at Quezon City sa lahat ng antas – pribado at pampublikong paaralan.

Ang nasabing mga lugar ay magiging abalang ruta patungong Batasang Pambansa Complex kung saan gaganapin ang ikalimang SONA ng pangulo.

Ayon sa dalawang lokal na pamahalaan, may suspensyon ng mga klase upang magkaroon ng sapat na oras ang mga residente na makinig sa isasagawang SONA.

Samantala, para matiyak ang kaayusan ay itinakda ang liquor ban sa Quezon City sa Lunes mula alas-12:00 ng hatinggabi hanggang alas-6:00 ng gabi.