Mga hakbang sa pagtiyak na ligtas na paglalakbay sa ‘Pinas

Tourism Secretary Christina Garcia Frasco (DOT Facebook page)

Muling iginiit ng Department of Tourism (DOT) na ang health at safety protocols ay patuloy na aktibong ipinapatupad sa mga destinasyon ng turismo sa Pilipinas upang matiyak ang kaligtasan ng mga turista.

Ang pahayag ay inilabas ng Departamento nf Turismo kasunod ng pagsasama ng Pilipinas ng US Center for Disease Control and Prevention (CDC) sa ilalim ng level 3 para sa kategoryang Covid-19. Dagdag pa rito, itinala ng Departamento na higit sa kalahati ng humigit-kumulang 235 na lugar na sinusubaybayan ng CDC ay inilagay sa ilalim ng nasabing antas.

“The global pandemic continues to expose the tourism industry to challenges, but our travelers can rest assured that the Philippine government continues to ensure that minimum public health and safety standards are in place, coupled with the precautionary measures observed by our partners from the private and public sectors. Therefore, our guests can safely enjoy any of our 7,641 islands even in the time of the Covid-19 pandemic,” ani Tourism Secretary Christina Garcia Frasco.

“We are confident of the measures and guidelines that we have instituted to strike a balance between safety and travel in the new normal,” dagdag pa niya.

Nauna nang iginiit ng Department of Health (DOH) ang iba’t ibang sukatan na ginagamit ng Pilipinas at US sa klasipikasyon ng Covid-19. Binigyang-diin din ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na “Sa kasalukuyan, mas binibigyang bigat ng Pilipinas ang rate ng paggamit ng pangangalagang pangkalusugan kumpara sa bilang ng mga bagong kaso.”

Bukod pa rito, ipinagmamalaki rin ng Pilipinas ang 92.3 porsyento na vaccination rate, katumbas ng higit sa 72 milyong Pilipinong ganap na nabakunahan noong Agosto 14, 2022, ayon sa inilabas na bulletin ng Health Department. Nabanggit ng mga eksperto na ang pagbabakuna ay isang mahalagang tool sa pagpigil sa pagkalat ng Covid-19.

Batay pa sa parehong bulletin, 28 porsyento o 719 sa 2,571 ICU beds ang ginamit habang 30.9 percent o humigit-kumulang 6,781 sa 21,968 non-ICU beds sa buong bansa ang kasalukuyang ginagamit.

Malaki rin ang pagkakaiba ng Covid-19 positivity rate ng bansa na ngayon ay nasa average na 4,001 araw-araw kumpara sa US na nakapagtala ng 13,609 bagong kaso sa nakalipas na 24 na oras (Agosto 16, 7:20PM oras sa Pilipinas) ayon sa website ng World Health Global Organization (WHO).

“What we learned from the advent of Covid-19 is that we cannot continue to allow the fear of it to negatively shape our lives and our travel plans. So much has been lost to this pandemic. We need to revise our perspective and learn how to live with this virus in a manner that is reasonable, rational, as well as responsible of health protocols so, not only lives, but livelihoods of people dependent on tourism may be saved in the process,” pagtatapos pa ni Secretary Frasco.