Mga gabay sa pananamit ng mga babaeng payat

Dahil may mga iba’t ibang uri ng pangangatawan, nakagawian na ng mga tao
ang pagiging maalam sa kung ano o papaano ang dapat na isuot na naaangkop sa kanilang pigura.

Narito ang ilang tips sa pananamit ng mga babaeng may mapapayat na
pangangatawan ayon sa brandedgirls.com:

● Kung nais mong itago ang iyong payat na mga braso, mas mainam na magsuot
ng sport shirt. Ang sport shirt ay nakadadagdag ng ilusyon upang mag mukhang
maganda ang iyong pigura lalo na sa parteng balikat.

● Ang pag “tuck-in” ng t-shirt ay nakadadagdag rin ng ilusyon sa iyong balakang.

● Maaaring magsuot ng baggy clothes o malalaking damit (sweatshirt) ngunit
laging isipin na hindi lahat ay magandang tingnan sa mga mapapayat. Minsan ay
may binabagayan itong pares pang-ibaba.

● Ang skinny jeans ay magandang tingnan sa mga mapapayat, ngunit mas mainam
ang semi-fit jeans, dapat rin ay angkop ang iyong suot pang-itaas, hindi
masyadong malaki at hindi rin masyadong maliit upang maiwasan magmukhang
lalong payat.

● Pagsusuot ng denim jacket. Maganda at nababagay itong ipatong o ipares lalo na
kapag sa dress o kaya naman sa mid skirt na above the knee.

● Kung ang ilan sa mga tao ay naiingit sa ‘yo sa pagkakaroon ng mapapayat na hita
at kayang-kaya mong magsuot ng skinny jeans, mayroon ding ilang babae na insecure
sa pagkakaroon ng mapayat na hita. Maaaring magsuot ng mga mahahabang
palda (hanggang bukong-bukong) or flowy habang croptop naman ang pang-
itaas.

● Ang pagsusuot ng flared jeans ay isa rin sa mga best option upang magmukhnag
matangkad at hindi masyadong payat. Nakakadagdag din ito ng kurba sa iyong
balakang.

● Ang pagsusuot ng maikling short ay isa rin sa mga simple ngunit nababagay sa
mga payat, siguraduhin lamang na tama ang haba at fit ng iyong damit pang-
itaas.

● Ang paggamit ng belt ay magbibigay din ng ilusyon sa iyong baywang.

Nakatutulong ito para mas lalong magkaroon o makita ang iyong kurba.

Ang ilan sa mga estilo ng pananamit para sa mga payat na babae. (Mula sa www.gorgeautiful.com)

Narito naman ang  tips sa pananamit na dapat iwasan kung ikaw ay may payat na
pangangatawan:

● Iwasan ang pagsuot ng mga off-shoulder na mga damit.

● Iwasan ang mga t-shirt na V-neck.

● Sa halip na kulay itim, subukan ang mga vibrant na kulay na hindi ka mas lalong
magmumukhang payat tignan.

● Iwasan ang pagsuot ng vertical stripes, dahil ikaw ay mas magmumukhang payat.

● Sa halip na magsuot ng pencil skirt, mas mainam ang flared mini skirt.

● Iwasan ang mga damit na walang prints o patterns.

● Iwasan ang pagsuot ng mga masisikip na sweater.

● Iwasan ang pagsusuot ng mga dress o bodycon dresses.

● Iwasan ang pagsuot ng tube, spaghetti strap na pang-itaas.

Ang tips na ito ay posibleng makatulong o hindi sa iyo. Kung sa tingin mo na
ang iyong kapayatan ay sapat o ok at hindi big deal, ikaw ay malayang magsuot ng
kung anong gusto mo.

Payat man o mataba, nasa iyo pa rin ang desisyon kung magbabase ka sa sasabihin o
tingin ng ibang tao sa ‘yo. Kung ikaw ay may tiwala at lakas ng loob na kahit ano pa man
ang uri ng iyong pananamit ay kayang-kaya mong dalhin, ito ay ok lang. Mas mainam
na ikaw ay komportable sa lahat ng iyong susuotin.