Mga dapat gawin sa bahay ngayong tag-init

Sadyang hindi na maawat ang tag-init. Ito rin ang panahon na mas maraming tama at dapat gawin sa inyong tahanan – isang home management na matatawag.

Ito ang inyong listahan para magawa ang mga dapat ayusin sa labas at loob ng inyong tahanan:

  1. Ipasuri ang buong bahay sa eksperto kung may problema na kailangan ng agarang pagsasaayos. Ang pagkakaroon ng bitak, tagas sa pader, kisame, tubo ng tubig (sa banyo, lababo, laundry area) at iba pa ay mga isyu na hindi dapat balewalain.
  2. Kasama rin sa dapat ipatingin at ayusin ay ang inyong bubungan kung ito ba ay sobrang lutong na, makalawang o sira na. Kasama na rito ang inyong gutter.
  3. Suriin din ang air conditioning unit, ductwork, mga saksakan, appliances at iba pa.
  4. Ipatingin na rin ang smoke detectors kung ito ay gumagana nang maayos.
  5. Huwag ding kalimutan ang mga pesteng namamahay sa inyong tahanan. Ang mga pesteng ito ay anay, ipis, bubuyog, langgam at iba pa. Ipaayos na ang gaps o puwang sa inyong mga bintana, kisame, ilalim ng bubong at pintuan.

6. Higit ding ikonsidera ang fire safety. Dahil uso ang sunog tuwing tag-init iwasan ang mga bagay na lilikha ng problema tungkol dito. Kung mag-iihaw, dapat ay properly ventilated ito at malayo sa tahanan. Iwasan ang paglipad ng kahit na maliit na baga na maaaring pagsimulan ng sunog. Gayundin, itago nang maigi ang flammable things gaya ng pesticides, insect killer, muriatic acid, kandila at iba pa.

7. Makabubuti rin na ang hardin, mga puno at halaman ay nasusuri rin nang regular sa panahon ng tag-init. Kailangang matanggal ang mga tuyo o patay nang parte ng mga ito na takaw-sunog din.

8. Kasama rin sa dapat na ayusin ang mga drainage o daluyan ng tubig upang matanggal ang bara. Kabilang din dito ang nasa bubungan kung maraming basurang naipon dito.

Ang tips na nabanggit ay maaari ring gawin ng mga nagpapauba ng bahay, commercial units at iba. Sa ganitong paraan ay naiiwasan na lumaki pa ang problema at gastusin o ang sinasabing expensive damage.