Mga benepisyo sa pagkain ng keso

Maliban sa masarap at paborito ng marami, ang keso ay sagana sa nutrisyon na mapapakinabangan para sa maayos na kalusugan at pangangatawan.

Ang keso ay magandang pagkunan ng protein, calcium at fat.

Dahil ang keso ay may calcium, isang pangunahing nutrient ito para sa malusog na buto at ngipin, pang-iwas sa pamumuo ng dugo o blood clotting, pagpapagaling ng sugat, at pagpapanatili ng normal na presyon ng dugo.

Nakatutulong din ang keso para sa dagdag na timbang sa tamang paraan.

Hindi rin tayo mabibigo sa sustansyang taglay nito tulad ng Vitamin A, B6 at B-12, C, D, E, zinc, phosphorus, riboflavin, at lactic acid. Ang mga ito ay mahalaga sa pagpapatibay din ng ating kalusugan lalo na sa mga bata.

Makatutulong din ang keso para makaiwas sa cancer. Ang calcium, Vitamin D, at lactic acid na nasa keso ay posibleng maprotektahan tayo mula sa mga kanser.

Dahil ang keso ay may protina, ang papel nito ay para sa pagbuo, regulasyon, pagkukumpuni, at proteksyon ng katawan. Responsable rin ito sa pagbibigay ng isang malakas na immune system, malusog na buhok, at tamang balanse ng fluid sa katawan. Kung walang tamang paggamit ng protina, nasa panganib ka para sa retain ng fluid at pag-urong ng muscular tissue.

Ang lahat ng uri ng keso ay may iba’t ibang level ng sodium kaya mainam na in moderation din ang pagkain natin dito.

Keso: maasahan sa kalidad ng pagtulog

Isa ring benepisyo ng pagkain ng keso ay nagbibigay ito ng magandang kalidad ng pagtulog. Kainin ito 30 minuto bago mahiga sa kama.

Sinasabing may 2,000 klase ng keso pero ang pinakamasusuntasya rito ay ang mozzarella cheese, parmesan, cheddar, Swiss, blue cheese, ricotta, cottage cheese, feta, at keso na galing sa kambing.