Mga benepisyo sa paggamit ng apple cider vinegar

Maraming pangkaraniwang ilaw ng tahanan ang nagtatanong kung anong bisa at tulong ang naibibigay ng apple cider vinegar.

Ang apple cider vinegar ay malaking tulong bilang pangangailan sa tahanan gaya ng mga sumusunod:

* Ito ay may antibacterial properties kaya naman palagi rin itong inirerekomenda bilang pantanggal ng masamang amoy gaya ng amoy ng mga plastic sa baunan halimbawa, mga malalansang lagayan at iba pa. Ihalo lamang ang kaunting apple cider vinegar sa tubig para maging deodorizing spray.

Kung wala kang natural alternative ito ang pamalit para mayroon kang odor neutralizers.

Powede ring ihalo ito sa tubig na may Epsom salts para maging foot soak. Dito siguradong tanggal ang masamang amoy ng inyong mga paa dahil napapatay ng vinegar ang odor-causing bacteria.

* Mahusay bilang salad vinaigrette

Mahusay ang apple cider vinegar bilang simpleng salad dressing.

Mas mura ito at healthy bilang homemade salad dressings at mas masarap.

* Tulong para mapreserba ang mga pagkain

Tulad din ng ibang mga suka, ang apple cider vinegar ay epektibo ring gamitin bilang preservative.

Noon pa man ay ginagamit na ng mga tao ang suka bilang pickling agent para maging preservatives at napatunayan na iyan sa napakahabang panahon.

May preservation dahil kapag ang pagkain ay may suka ito ay mas nagiging acidic, na nagde-deactivate sa enzymes at pumapatay sa bacteria na nasa mga pagkain na nagiging daan naman para masira ang mga pagkain.