Mga benepisyo ng pakwan sa kalusugan

Ang pakwan ay naglalaman ng 92 porsyentong tubig.

Marami ang nag-aakala na ang pakwan ay walang sustansyang prutas. Inaakalang ang ibinibigay lamang nitong benepisyo ay tubig at patok tuwing mainit ang panahon lalo na kapag summer.

Ang totoo ay may nutritional value na hatid ang pakwan sa atin tulad ng mga sumusunod:

– Lunas sa constipation (o pagtitibi o hirap sa pagdumi)

– Napabababa nito ang peligro na ma-stroke

– Napabababa nito ang peligro dala ng cancer

– Napabababa nito ang peligro sa pagkasira ng atay

– Napabababa nito ang problema sa mga ugat

– Napababa nito ang insulin resistance

– Nakatutulong laban sa diabetes

– Nakatutulong laban sa skin fungi

– Nakatutulong para maiwasan ang problema sa puso

– Nakatutulong para maging healthy ang mga bato. Nalilinis nito ang kidneys

– Nakatutulong para sa magandang paningin

– Pangontra sa asthma

– Pangontra sa pamamaga

– Mainam sa maayos na panunaw

– Mainam para sa maayos na sirkulasyon ng dugo

– Mainam para gumaan ang pakiramdam at mood

– Mainam at malakas na antioxidant

– Mainam na panlaban sa heatstroke

– Mainam at pinakamataas na uri ng alkalizing fruit

– Pinabababa nito ang blood pressure levels

– Mababa sa calories at mainam sa nagdidiyeta

– Nakapagpapataas ng immune system

Maliban sa mga nabanggit, sinasabing mas beneficial ang pakwan kumpara sa mansanas dahil sa taglay nitong potassium na pantanggal sa toxic deposition sa kidneys. Mayroon din itong fiber, Vitamins A and C, calcium, carbohydrate, protein, magnesium, iron, B6, at niacin. Present din sa pakwan ang thiamin at ang wide variety ng carotenoids and phytonutrients, kabilang lycopene.

Higit na mabuti ito para sa mga bata, buntis, mahihina ang katawan, at sa seniors.

Malaki at mabigat ang pakwan kaya huwag ninyong maliitin ang benepisyo nito sa ating kalusugan.