Mga batang mang-aawit lumahok sa Batch 5 ng AOV SPYC

Ang Cultural Center of the Philippines (CCP) at ang Andrea O. Veneracion Sing Philippines Foundation ay magdaraos ng isang linggong music camp para sa 35 piling mang-aawit mula Agosto 19 hanggang 23, 2026.

Mula sa 121 aplikante, ang mga kalahok na ito ang bubuo sa ikalimang pangkat ng Sing Philippines Youth Choir (SPYC), na hango sa legasiya ng Philippine Madrigal Singers. Sa ilalim ng pamumuno ni Prof. Mark Anthony Carpio, pauunlarin nila ang kanilang kakayahan sa pag-awit at bubuo ng samahan, na magtatapos sa isang pagtatanghal sa konsiyertong magdiriwang ng ika-25 anibersaryo ni Prof. Carpio sa Newport Performing Arts Theater sa Agosto 22 at 23, 2026.

“This journey is a deeply personal one, a story of overcoming self-doubt, healing through music, and stepping into our potential.  For many of us, the SPYC is far more than a personal milestone—it is a gift that we intend to pass on. Upon returning to our hometowns, schools, and church ministries, we plan to serve as mentors and guides, sharing the lessons, discipline, and joy we gained during the camp. By bringing high-level training back to our roots, we hope to spark new hope in younger singers, raise local performance standards, and prove that talent from every corner of the Philippines deserves to shine,” kolektibong sinabi nina bass Jacob Miguel Villa (NCR), bass Eljohn Capitan (Lanao del Norte), tenor Jeric Gianan (Catanduanes), altos Mary Gwyneth Gudes (Bohol), alto Dave Lacquio (Zamboanga del Norte), soprano Chin Aficionado Salmon (Iloilo), at soprano Kristine Intong (Kidapawan).

Mula nang ilunsad noong 2014, nagsilbing gabay at tagapagsanay ang AOV SPYC sa 248 mang-aawit mula sa 78 komunidad sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Noong 2022, nagwagi ang grupo ng ikalawang gantimpala at Gold Diplomas para sa kanilang mga pagtatanghal sa Busan International Choral Festival. Pagsapit ng 2024, nakuha nila ang ika-apat na puwesto sa Tolosa Choral Competition sa Spain, habang nagtatanghal din para sa mga Pilipinong naninirahan sa Spain at Portugal. Sa pagitan ng 2025 at 2026, ipinagpatuloy ng SPYC ang kanilang misyon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga workshop at konsiyerto sa iba’t ibang lungsod, kabilang ang Tagum at Iloilo City.

Para sa iba pang detalye, bisitahin ang mga opisyal na Facebook page ng CCP, CCP Cultural Exchange Department, at AOV Sing Philippines Youth Choir.