Mga bagyong papasok sa Pinas may pangalan na

Ang Pilipinas ay binibisita ng tinatayang 20 bagyo bawat taon, lima sa mga ito ay maaaring sadyang mapanira.

Sa bawat taon, tinatayang ang Pilipinas ay may 20 bagyong nararanasan.

Mas marami tayong tropical cyclones (TCs) na pumapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) kaysa saan man sa mundo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA.

Ayon pa sa weather bureau, sa tinatayang 20 TCs kada taon, walo o siyam sa mga ito ang tumatawid sa Pilipinas. Ang peak ng panahon ng bagyo sa atin ay Hulyo hanggang Oktubre, kung kailan halos 70% ng lahat ng bagyo ang umuusbong.

Sa taong ito, ang unang bagyo ay maaaring tumama ngayong Enero.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, ito ang nakahandang 25 na pangalan ng mga bagyo para sa 2023.

Mga bagyong maaaring pumasok ng bansa, may pangalan na

Ang PAGASA ay may nakahanda nang mga pangalan para sa taong ito at sa mga susunod pa. Para sa 2023, may 25 pangalan ang bagyo at sakaling kulangin pa ito ay may 10 auxiliary names pang nakahanda, gayundin para sa mga susunod pang taon.

Sakaling kulangin ang 25 pangalan ng bagyo, ito ang auxiliary names na nakahanda para sa 10 bagyo ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA.

Bakit napakaraming bagyong pumapasok sa Pilipinas?

Ang Pilipinas ay prone sa tropical cyclones dahil sa geographical na lokasyon nito na karaniwang nagbubunga ng malakas na pag-ulan at pagbaha sa malalaking lugar at pati na rin ang malakas na hangin na nagreresulta sa matinding casualty (pagkasugat o pagkamatay) sa buhay ng tao at pagkasira ng mga pananim at ari-arian.

Ayon naman sa Asian Disaster Risk Reduction Center, dahil matatagpuan sa kahabaan ng typhoon belt sa Pacific, ang Pilipinas ay binibisita ng average na 20 bagyo bawat taon, lima sa mga ito ay sadyang mapanira. Dahil nasa lokasyon tayo ng “Pacific Ring of Fire” ay ginagawa itong mahina sa madalas na lindol at pagsabog ng bulkan. Ang heograpikal na lokasyon nito at pisikal na kapaligiran ay nag-aambag din sa mataas na high-susceptibility nito sa tsunami, pagtaas ng lebel ng dagat, mga storm surge, pagguho ng lupa, baha/flashflood/baha, at tagtuyot.

Sa paliwanag ng PAGASA, makikita sa table na ito na ang unang tropical cyclone ng bawat taon ay nagsisimula sa pangalan na nagsisimula rin sa letrang A tulad ng sa Agaton sa ilalim ng Set II para sa 2022 at iba pa sa listahan habang ang isang disturbance ay nasundan ng isa pa. Sa ika-5 taon (2026) ay ibabalik tayo sa Set II ng Agaton.