Mga bagay na ayaw ng lalaki sa babae

Red flag ba talaga ito?

Interesante siguro ito sa iyo na malaman kung ano-ano ba ang mga bagay na ayaw ng isang lalaki sa babae?

Mayroong iba’t ibang dahilan ang kalalakihan kung bakit ayaw nila ang isang bagay sa isang babae. Dahil na rin sa pagkakaiba ng mga lalaki, mayroon ding silang iba’t ibang kagustuhan at hindi kagustuhan. Maaring ito ay may kinalaman sa pisikal, mental o emosyonal. Gayunman, mayroong tinatawag na misogyny o ang pagka-disgusto sa mga kababaihan na madalas nauuwi sa pagkabayolente. Ngunit hindi iyon ang tinutukoy sa artikulong ito kundi ang mga partikular bagay na hindi gusto o ayaw ng mga lalaki sa babae.

Mga bagay na ayaw ng lalaki sa babae

  1. Buhok sa katawan

-Normal lang naman ang mga buhok sa katawan pero kung hindi na kaaya-ayang tingnan, panahon na siguro para alisin ang mga ito (lalo na sa mga parte ng katawan na hindi naman dapat mabuhok).

  1. Mga peke o idinidikit na pilikmata

-Kung para sa kababaihan ito ay nakagaganda, kabaliktaran ito sa ibang mga kalalakihan.

  1. Mga makukulay na buhok (rainbow hair)

-Hindi rin masama ang may kulay na buhok lalo na kung naaayon ito sa iyong itsura pero kung magmumukha ka ng unicorn dahil sa kulay na mala bahaghari, mag-isip ka na kung bagay pa ba sa iyo ang ganoon estilo.

Iba pang mga ayaw ng mga lalaki sa mga babae

  1. Hair extensions
  2. Magulong buhok
  3. Maarte o maraming arte sa kuko
  4. Paraan ng pag-uusap ng mga kababaihan tungkol sa romansa
  5. Parang detective kung umasta
  6. Palagiang binabalik ang nakaraang isyu
  7. Mabaho ang hininga
  8. Masyadong mabango
  9. Walang kabangobango
  10. Pagsusuot ng malalaking sunglasses
  11. Masyadong desperada
  12. Pagsusuot ng mga malalaking sombrero
  13. Paggamit ng liquid eye liner
  14. Maruming buhok
  15. Mahahabang kuko
  16. Peke o retokadang labi
  17. Pulang lipstick
  18. Masyadong makapal ang make-up
  19. Baby voice o baby talk
  20. Paiba-iba ng desisyon
  21. Magulo ang isip
  22. Pagiging mabagal kumilos o mag-isip
  23. Palaging gusto na pinupuri
  24. Maarte kung kumilos
  25. Masyadong malambing sa publiko
  26. Masyadong clingy
  27. Matigas ang ulo
  28. Mapagpanggap
  29. Magaling uminom ng alak
  30. Iresponsable
  31. Bayolente
  32. Naninira ng kapwa babae
  33. Naninigarilyo
  34. Possessive
  35. Asal bata
  36. Retokada o gawang katawan dahil sa siyensya
  37. Sinungaling

Hindi naman lahat ng nakasaad dito ay tumutukoy sa pangkalahatang opinyon ng mga kalalakihan tungkol sa kababaihan. Maaaring ito lamang ay boses ng ibang kalalakihan at sadyang may ayaw tungkol sa kung ano ang babae. Ayon sa isang lalaki na natanong kung ano ang ayaw niya sa isang babae ay, “Mahirap kasing sagutin iyan kasi kung ako lang, kung mabait sa akin ang isang tao, mabait din ako sa kaniya at kung pakikitaan ako ng ugali, ibabalik ko lang din.”

Para naman sa mga kababaihan na nagbabasa ng artikulong ito, hindi naman lahat ng nakasaad dito ay kailangan mong baguhin para lang magustuhan ka ng isang lalaki. Mas mainam pa rin na pahalagahan ang sarili mong pananaw tungkol sa iyong hitsura kaysa ang sa iba at kung nag-aalala na hindi ka magugustuhan ng lalaking gusto mo dahil mayroon siyang hindi nagustuhan sa anyo o katauhan mo, hayaan mo lamang dahil sabi sa isang kasabihan; “The right man will never run.”