Bagama’t papatapos na ang taon ay nag-anunsyo ang Manila Electric Company (Meralco) na magpapatupad ito ng dagdag-singil sa pagkonsumo ng kuryente.
Ang itataas na singil ngayong Disyembre ay P0.1048 per kilowatt hour (kWh). Itinuturong dahilan ng pagtaas ng singil ay ang mahal na generation charge bilang bayad ng Meralco sa supplier ng kuryente.
Kung sa tipikal na mga bahay ay mula sa dati nilang bill ay madadagdagan ito ng P21 para sa konsumong 200 kWh.
Samantala para sa iba pang pagkonsumo ito ang maaaring maging singil:
- 300 kWh – P31
- 400 kWh – P42
- 500 kWh – P52
Sa dagdag-singil na ito ng Meralco ay hindi pa kasama ang inisyal na balitang inaprubahan ng Energy Regulatory Commission ang dagdag-singil sa kuryente ng National Grid Corporation of the Philippines na sisimulan sa susunod na buwan.

