Melar Claire Romero, double win sa Saniata ti Nueva Vizcaya

Ang beauty titlists ng Saniata ti Nueva Vizcaya 2024 na sina (mula sa kaliwa) Fourth Runner-Up, Dupax Del Norte - Kyla Monique R. De Castro; Second Runner-Up, Aritao – Raeley Jane Vilaray; Saniata ti Nueva Vizcaya, Miss Diadi - Melar Claire Romero; First Runner-Up, Bayombong – Athena Lodevico; at Third Runner-Up, Kasibu – Sharmaine Joyce Alilin. (Mula sa official Facebook Page ng Saniata ti Nueva Vizcaya 2024)

Ang Ammungan Festival ng Nueva Vizcaya ay makulay na selebrasyon ng 185th Founding Anniversary ng lalawigan.

Tribong wika ang “ammungan” ng mga Gaddang. Katulad ito ng wikang Ilokano na “ummungan” na sa mga Tagalog ay “pagtitipon.”

Bahagi ng malaking okasyon ang annual Saniata Ti Nueva Vizcaya. Sa beauty pageant na ito, nasala ang 14 candidates mula sa iba’t ibang munisipalidad at nagtagisan ng talino at ganda sa Grand Coronation Night noong Mayo 23 sa Nueva Vizcaya Convention Center.

Sa ika-15 taon ng kapistahan, mas parang nakilala ang okasyon dahil kay Melar Claire Abungan-Vicmudo Romero na nagwaging Saniata Ti Nueva Vizcaya 2024.

Ang “saniata” na salitang Ilocano ay tumutukoy sa “mutya, “hiyas” o “gem stone.” Samakatuwid ang beauty pageant ay nangangahulugang “Mutya ng Nueva Vizcaya.”

Si Melar Claire Romero bilang Saniata ti Nueva Vizcaya 2024. (Mula sa official Facebook Page ng Saniata ti Nueva Vizcaya 2024)

Sa question-and-answer portion, naging matalino at kalmado si Melar Claire sa kanyang sagot na kanyang ikinapanalo.

“Would you be willing to commit a mistake just to correct a mistake committed by the person that you truly loved? Why or why not?” ang naging tanong kay Ms. Diadi.

“Mistakes doesn’t define who we are. Mistakes are just learnings based from our own experiences. If I were to commit a mistake from the one who I truly love, (I think) I would rather commit it because if I were to commit his mistake, it means I don’t want him to grow. I don’t want to be the best version of himself and I believe mistake is the best thing that we can learn in life,” ang klarong sagot ni Melar Claire.

Pero maliban sa tagpong ito, may ibang unusual pero nakaaaliw na moments ang dilag.

Si Melar Claire Romero sa kanyang swimsuit na inirampa sa Lintungan Waterfalls bilang bahagi ng Saniata ti Nueva Vizcaya 2024. (Mula sa Facebook Page ng Diadi Municipal Government)

 

Trending moments ni Melar Claire

Patuloy sa pagiging trending sa social media si Melar Claire ng munisipalidad ng Diadi dahil sa kanyang “historical double win.”

Normally sa pageant, victory is achieved through class, style, and grace. Pero ibang level ang personality ang ipinakita ng pambato ng Diadi sa event na ito.

Likas na bubbly o kalog at ma-“chica” si Melar Claire kaya marami ang aliw sa kanya. Love na love ng publiko ang jolliness na pinakawalan niya at nagpakatotoo lamang siya sa pageant.

Double win ang moments niya dahil bago pa siya nakoronahan ay nakaharap, nayakap at nabuhat pa siya ng handsome actor na si Ian Veneracion na guest performer ng okasyon. Ito ang tagpong inaawitan nang isa-isa ni Ian ang lahat ng candidates sa stage.

Ang winning moment ni Maler Claire Romero nang maakap at mabuhat siya ng actor na si Ian Veneracion.

Wala pa man sa harap ni Melar Claire si Ian ay hindi na maitago ng dalaga ang kasiyahan  sa aktor. Bata pa kasi si Melar Claire ay crush na crush na niya ang aktor kaya lumabas ang fangirl excitement nito. Kung ano ang kilig ni Melar Claire ay ganoon din ang kilig ng publiko. (Panoorin ang video sa ibaba na kuha ni Seth Navis)

 

“Sa totoo lang iniisip ko kung magpo-poise ba ako o lalapit ako (kay Ian) kasi ang nanay ko po nakatingin sa akin. Crush na crush ko talaga si sir Ian,” pag-amin ni Melar Claire sa panayam sa kanya ng Vizcaya Reporter.

 

Not expected nang makoronahan

Sa awarding moment, hindi makapaniwala si Melar Claire na siya ang winner sa gabing ‘yon. Ang buong akala niya ay siya ang First Runner-Up.

Unang tinawag ang First Runner-up (Athena Lodevico) pero siya ang naglakad sa entablado. May nagsenyas sa kanya na hindi siya ang dapat na rumampa at natawa na lamang din siya sa kanyang cute na pagkalito.

Para sa lahat ay napaka-unforgettable moment ‘yon at ang facial reaction niya ay kalat na rin sa social media. Panalo na siya pero hindi pa rin niya alam – sisihin natin si Ian! Nabalutan kasi ng cloud ang isipan ni Claire nang makaharap ang actor.

Ang natural and inoccent reaction ni Melar Claire Romero sa hindi niya mapaniwalaang pagkakahirang sa kanya bilang Saniata ti Nueva Vizcaya 2024. (Screengrab mula sa video ng SDN Productions)

“Sabi ko po talaga no’ng awarding, ‘Lord, kahit anong place ko magiging prepared po ako’ kasi alam ko pinripare (prepared) mo ako kung anuman ang ibibigay mo sa akin,” kuwento pa niya.

Hinahangaan si Melar Claire dahil sa kanyang napaka-genuine na reactions mula sa moment na nakaharap si Ian hanggang sa hiranging Saniata ti Nueva Vizcaya.

Ang genuine reaction ni Melar Claire Romero sa hindi niya mapaniwalaang pagkakahirang sa kanya bilang Saniata ti Nueva Vizcaya 2024. (Screengrab mula sa video ng SDN Productions)

Maliban kay Ian, present din ang celebrities na sina Pauline Amelinckx, Miss Supranational Philippines 2023 at Miss Supranational 2023, First Runner-Up; Jojo Bragais, Miss Universe Official Footwear Designer; Lars Pacheco, Miss International Queen Philippines 2023 at Miss International Queen 2023 Top 6; RJ De Vera, Man Hotstar International 2023; Lara Melisa Gaffud, Miss Petite Global 2024, at Sher Cadoy, Miss International Queen Philippines 2024 – Nueva Vizcaya.

Ang pagkakahirang kay Melar Claire bilang reyna ay ikalawang koronang natanggap ng Diadi mula sa pageant. Ang unang victory ay noong 2017 na nasungkit ni Chelsea Claro.

Maliban sa beauty title ni Melar Claire, siya rin ang magiging Ambassador of Goodwill and Tourism ng kanilang lalawigan.

 

Beauty titlists sa Saniata ti Nueva Vizcaya 2024

Saniata ti Nueva Vizcaya 2024: Miss Diadi – Melar Claire Abungan-Vicmudo Romero

First runner up: Bayombong | Athena Lodevico

Second Runner up: Aritao | Raeley Jane Vilaray

Third Runner up: Kasibu | Sharmaine Joyce Alilin

Fourth Runner up: Dupax Del Norte | Kyla Monique R. De Castro

Si Melar Claire Romero, hinirang na Saniata ti Nueva Vizcaya 2024. (Mula sa Facebook Page ng Diadi Municipal Government)
Si Melar Claire Romero bilang Saniata ti Nueva Vizcaya 2024. (Mula sa official Facebook Page ng Saniata ti Nueva Vizcaya 2024)