Maynila ika-5 sa worst public transpo system sa mundo

Ang daloy ng traffic sa EDSA at ang matiyagang pagpila ng mga mananakay ng EDSA Carousel. (Kuha ng Bilibb)

Nahanay ang Maynila bilang ikalima na may pinakamalalang transportation system sa buong mundo. Ito ay sa pag-aaral na ginawa ng think tank na Oliver Wyman Forum sa pakikipagtulungan sa University of California, Berkeley.

Para naman sa 2022 Urban Mobility Readiness Index, ang buod nito ay nasa temang tumutukoy sa progress ng bagong hinaharap na sumuri sa 60 major cities sa buong mundo kung saan ika-58 ang Maynila dito. Sa index na ito ay pinag-uusapan din ang sustainability at pampublikong transit “as the backbone of a resilient economy.”

Ang 2022 Urban Mobility Readiness Index ayon sa think tank Oliver Wyman Forum at University of California, Berkeley (Kuha mula sa www.oliverwymanforum.com)

“This year’s index introduces a new Public Transit sub-index that measures how well cities are maintaining their mass transit networks and how many commuters use it. It also includes the second annual Sustainable Mobility sub-index, measuring how well cities are making a pivot to greener mobility and bolstering their infrastructure against the risks of climate change,” ayon sa Oliver Wyman Forum.

Ipinapaliwanag dito sa Oliver Wyman Forum ang bagong sub-index sa Public Transit. (Kuha mula sa www.oliverwymanforum.com)

“Several modes of transportation are available in Manila, including jeepneys and some metro lines. Linkages to active mobility are provided by permissive transit rules towards bikes, as well as significant cycling infrastructure. Despite these multimodal strengths, Manila’s public transit system has room for improvement in speed, wait times, station density, and affordability,” pagsasalawaran sa Maynila ng nasabing pag-aaral.

“Road transport faces challenges including the poor quality of roads in the metropolitan area and the limited regional connectivity provided by the national road network. Manila is congested and polluted, but a low level of car ownership should help prevent these problems from worsening,” ayon pa sa kanila.

Naka-highlight din sa report na ang Hong Kong ang may pinakamagandang imahe para sa pag-aaral na isinagawa.

“Hong Kong offers one of the best public transportation services in the world and lands atop the Public Transit sub-index,” ayon pa sa pag-aaral.