May tamang oras ng pagkain ng prutas para sa diabetic?

Isa rin ba kayo sa mga diabetic na dapat maging partikular sa kinakain para mamantina ang tamang lebel ng asukal sa katawan para sa tamang kalusugan?

May mga nagpapayo na kung kakain ng mga prutas, maiging ilagay ito sa tamang oras. Sinasabing may benepisyo sa kalusugan ang prutas kung kakainin nang walang laman ang tiyan, o walang ilang partikular na pagkain. Ngunit ang mga ganitong sabi-sabi ay hindi sinusuportahan ng anomang ebidensya.

Wala ring scientific evidence na mas tamang kumain ng prutas sa umaga o hapon.

Ang mga prutas ay mas matagal matunaw kumpara sa mga simpleng carbs tulad ng white bread dahil mataas ang mga ito sa fiber at complez carbohydrates. Makatutulong ito sa mga tao na maiwasan ang unhealthy na meryenda sa hapon at manatiling busog nang mas matagal.

Hindi rin suportado ng pag-aaral ang sinasabing kainin ang prutas ng 1-2 oras bago o matapos kumain ng ibang pagkain – halimbawa ng kanin, pasta at iba pa. Ang sabi ay kapag isinabay sa ibang pagkain ay makagagambala sa panunaw lalo na sa diabetic.

Tandaan, walang patunay na ang pagkonsumo ng prutas nang hiwalay sa mga pagkain ay maaaring mapahusay ang panunaw. Ikalawa, ang pagkain mismo ng prutas lang ay maaaring magresulta sa pagpasok ng mga asukal sa katawan nang mas mabilis para sa isang taong may diabetes, na maaaring magdulot ng pagtaas ng asukal sa dugo nang mas mataas kumpara kapag ang prutas ay kinakain kasama ng iba pang mga pagkain.

Ang taong diabetic ay maaaring makinabang mula sa pagsasama-sama ng mga prutas sa iba pang mga pagkain na mataas sa protina, fiber, o lipid sa halip na kumain lamang mismo ng mga prutas.

Dahil iba-iba ang uri ng diabetes at iba-iba ang kondisyon ng mga tao, mainam na kumonsulta sa doktor upang malaman at masuri nang husto kung ano ang nararapat sa inyong kalusugan.