May masamang epekto sa kalusugan, sexual activity kapag hindi tuli?

Apektado ba ang size ng ari kapag tuli o hindi tuli?

Mayroong patuloy na debate at pananaliksik tungkol sa mga epekto sa kalusugan ng pagiging tuli (circumcised) o hindi tuli (uncircumcised).

Mayroong ilang mga pag-aaral tungkol sa kaugnayan sa pagitan ng pagtutuli at mga impeksyon sa ihi (urinary tract infections, UTI). Mahalagang tandaan na ang mga natuklasang ito ay dapat bigyang-kahulugan nang may pag-iingat, dahil maaaring mag-iba ang mga indibiduwal na experience and situations.

Males who have had circumcision are less likely than non-circumcised males to experience phimosis, paraphimosis, balanitis, or penis cancer. Gayunpaman, maraming hindi tuli ang hindi nagkakaroon ng mga isyung ito.

Sa mga piling grupo ng mga indibidwal na may mataas na panganib, ang pagtutuli ay maaaring mapabuti ang kalusugan ng publiko dahil maaari nitong bawasan ang pagkalat ng iba’t ibang mga STDs o sexually transmitted diseases, tulad ng HIV o human immunodeficiency virus.

It is very important to consult your doctor o sa mga healthcare professional upang maunawaan ang mga indibiduwal na risk and benefits na nauugnay sa pagtutuli at upang magkaroon ng informed decision batay sa mga personal na kalagayan at payong medikal.

Kailan ginagawa ang circumcision?

Sa ibang mga bansa, kapag naipangangak o sa una o ikalawang araw ay agad nang tinutuli ang sanggol gaya ng Australia at USA. Samantala, sa Pilipinas, ang pagtutuli ay ginagawa kapag ang bata ay nasa pagitan ng edad 9-12 taong gulang. Sa Europe, marami sa mga lalaki roon ay hindi mga tuli.

Bakit may pagtutuli at saang mga bansa ito ginagawa?

Ayon sa pag-aaral, karamihan sa mga pagtutuli—halos kalahati— ay nangyayari bilang bahagi ng practice sa relihiyon at kultura.

Sa western countries, mayroong isang malaking saklaw sa paglaganap ng pagtutuli, kasama ang USA na may pinakamataas na rate (71%), sinundan ng New Zealand (33%), Australia (27%), UK (21%), France (14%), Germany (11%), Sweden (5%), Italy (3%) at Ireland (1%).

Ayon sa assestment, mas mataas ang mga rate ng pagtutuli sa mga bansa kung saan laganap ang pagsasagawa ng Islam o Judaism, kabilang ang Iran (100%) Iraq (99%), West Bank (99%), Yemen (99%), Indonesia (93). %), Syria (93%), at Israel (92%).

Paano ginagawa ang pagtutuli?

The procedure takes about 5-10 minutes sa mga sanggol habang sa adults ay maaaring umabot ng isang oras. Sa adults, maaaring gumaling ito after 5-7 days lalo na kung nasusunod ang gamutan at payo ng doktor. Matapos ang ilang araw, maaari nang magsimulang maglakad hanggang sa maging normal ang iba pang mga aktibidad.

Sa mga tinuli, they are advised not to lift heavy objects dahil maaaring bumuka ang tahi o sugat. Ipinagbabawal din na mabasa ang ari. If you notice any trouble peeing mas mainam na sabihin agad ito sa doktor. Kasama sa mga dapat bigyan ng atensyon ay kung nilalagnat, may pagdurugo at mabahong amoy at kung nagtutubig ang ari.

Bakit kailangan ng circumcision?

Ang pagtutuli ng nasa hustong gulang ay medikal na kinakailangan para sa maraming mga dahilan, kabilang ang patuloy na impeksyon sa ihi at mga isyu sa foreskin tulad ng phimosis, na kung saan ay ang kawalan ng kakayahang hilahin ang foreskin pabalik sa ulo ng ari ng lalaki.

Ang kawalan ng kakayahan na bumalik ang balat (foreskin o prepuce) na tumatakip sa ulo ng ari (glans) ay kilala bilang phimosis. Ito ay matatawag na penis disorder at mas karaniwan sa batang lalaki (edad sa pagitan ng 2-6 taong gulang) kasya mas matanda sa kanila. Ang phimosis ay maaaring magpakita bilang isang masikip na singsing ng foreskin sa paligid ng dulo ng ari ng lalaki, na kumikilos bilang isang “rubber band” at pumipigil sa kumpletong pagbalik sa ulo.

Ang pamamaga ng ari ng lalaki, na kilala bilang balanitis, o ng glans at foreskin, na kilala bilang balanoposthitis, ay maaaring magresulta mula sa phimosis. Ang parehong mga karamdamang ito ay madalas na nagreresulta mula sa hindi wastong kalinisan.

Mabaho ba ang ari kapag uncircumcised?

Tuli man o hindi, kapag hindi malinis sa katawan ay sadyang hindi maganda ang amoy. However, according to study, kapag hindi tuli ay maaaring maging common ang mabahong amoy lalo na kapag hindi ugaling maglinis ng ari.

Apektado ba ang size ng ari kapag tuli o hindi tuli?

Ang mga hindi tuli na ari ay maaaring magpakita ng mas malaking hitsura ng bulkiness kumpara sa mga tuli sa flaccid na estado. However, during erection, the skin around the glans ay umuurong at halos hindi na makita.

Bilang resulta, walang malaking pagkakaiba sa kabilugan sa pagitan ng tuli at hindi tuli na ari kapag nakatayo ito. Ang laki ng ari ay naiimpluwensyahan ng iba’t ibang mga kadahilanan, kabilang ang mga genetic na kadahilanan at sirkulasyon ng dugo sa mga tissue ng penile.

The presence of a foreskin may mean some notable girth o may ilang kapansin-pansing kabilugan kapag ang ari ng lalaki ay malambot, ngunit iyon lamang iyon.

May epekto ba sa sexual sensitivity kapag uncircumcised?

Sa pag-aaral, ipinaliwanag na walang nakikitang pagkakaiba sa karanasan ng isang tao sa pleasure o pain sa sexual activity siya man ay tuli o hindi.