Patuloy na ginaganap ngayon ang 14th Likhang Habi Market Fair bilang isang premyadong selebrasyon ng mahusay at timeless art ng paghahabi.
Nagsimula nitong October 18 at magtatapos sa October 20, tunghayan ang event sa Activity Center ng Glorietta 2 sa Makati City ang mga natatanging husay at creativity ng Filipino artisans.

Ang taunang event na ito ay hindi lamang nagpapamalas ng mga tradisyonal na pamamaraan na ipinasa sa pamamagitan ng mga henerasyon ngunit sumasaklaw din sa mga kontemporaryong makabagong ideya na nagbibigay ng bagong buhay sa paghahabi at iba pa.

Sa pormal na pagbubukas ng event, naririto ang suporta ni Makati Mayor Abigail “Abby” Binay kabilang din ang mga bumubuo ng proyekto sa pangunguna ng mga opisyales ng HABI: The Philippine Textile Council tulad nina HABI Founder at Chairman Emeritus Maria Isabel “Maribel” Ongpin, President Emeritus Adelaida Lim, President Ma. Milagros “Mia” Villanueva, Vice President Irene Marcos-Araneta, at iba pa.

Ang attendees ay may pagkakataon na makabili at masaksihan sa halos 100 booths ang mga masining at makukulay na produktong nabuo dahil sa metikulosong kalidad ng mga tela, fashion accessories, iba’t ibang kasuotan, mga gamit pambahay o opisina at iba pa.




